PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baguio photojournalist, nagbibigay-saya rin bilang “Spider-Man”

“Diversion ko ito para magpasaya ng mga tao, lalo na ang mga bata.”
by KC Cordero
Published Sep 28, 2022
Naging diversion na ng Baguio City photojournalist na si Mau Victa ang magsuot ng Spider-Man costume at mag-entertain ng mga tao sa Session Road, Baguio City. Nagpapahiram din siya ng ibang costumes sa mga estudyanteng gustong kumita. (Photos courtesy of Mau Victa)

Nakagawian na ng Baguio City photojournalist na si Mau Victa ang magbihis ng costume ni Spider-Man kapag nagpupunta siya sa Session Road tuwing Sunday, kung kailan maraming namimili sa palengke rito.

Si Mau ay correspondent ng mga pahayagang Business Mirror at Baguio Chronicle.

Photo of Mau Victa in the forest

Entertainer naman siya sa Session Road tuwing Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaugnayan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 27, 2022 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Kuwento ni Mau, lagi niyang dala-dala ang kanyang Spider-Man costume.

Mau Victa as Spider-Man with farm workers

“Para kung kailangan, andiyan lang na mailalabas ko para makapagpangiti.

“Diversion ko ito kasi masaya ako na nakakapagpasaya ng ibang tao, lalo na ng mga bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi naman aniya exclusive lang sa Session Road ang kanyang pagsusuot ng Spider-Man costume.

Sa katunayan, nakarating na ng Poland ang kanyang costume, nang isa si Mau sa mga naimbitahan ng European Union na bumisita doon last June. Napasaya ni Mau ang isang Ukrainian girl na nakilala niya sa isang evacuation center.

Mau Victa as Spider-Man and the young Ukrainian girl

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Mau, “Ang sarap ng feeling na napangiti ko yung Ukranian na bata na nag-iiiyak noong nasa evacuation center kami sa Poland habang hinahanap ang tatay niya.

“Kasi naiwan siya sa lola niya noong nag-evacuate sila.”

Ito aniya ang most memorable Spider-Man moment niya.

Mahigit isang dekada na niyang ginagawa ang pagsusuot ng nasabing costume.

Mau Victa with Mickey Mouse

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang entertainer sa Session Road, nagsusuot din siya ng costume nina Mickey Mouse, Minnie Mouse, Iron Man, Batman, at Charlie Chaplin.

Bihis-payaso rin siya kung minsan.

Nabili niya ang mga costume sa isang broker ng mga lumang Disney products.

Pinapayagan din ni Mau ang ilang college students na gustong kumita ng extra na isuot ang mga nasabing costumes at mag-perform sa Session Road.

Aniya, “May week na malaki-laki ang nakukuha nila, may week na maliit.

“Kapag maliit, ibinibigay ko na sa kanila para may dagdag sila sa allowance nila sa school.”

Nakaka-relate umano siya sa mga estudyanteng ito dahil high school pa lang, rumaraket na rin siya bilang clown.

Masaya niyang sambit, “Raket ko na ito noong high school pa ako para may pang-allowance ako.

“Kaya kapag may estudyante na gustong magsuot ng costume para kumita, pinagbibigyan ko.”

Natutuwa rin siya na kahit isang beses lang sa isang linggo binubuksan sa publiko ang Session Road, maraming sektor ang natutulungan nito para kumita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana payagan lang kami at sana hindi dumating ang time na magbabayad na din kami. Kasi maraming natutulungan ang busking, lalo na ang mga estudyante.

“Kahit once a week lang, yung nakukuha nila, malaking bagay para sa kanila yun dahil sa hirap kumita ngayon.”

Read also: Meet Jhonwel Reyes: Ang sikat na green soldier mime sa Baguio City

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging diversion na ng Baguio City photojournalist na si Mau Victa ang magsuot ng Spider-Man costume at mag-entertain ng mga tao sa Session Road, Baguio City. Nagpapahiram din siya ng ibang costumes sa mga estudyanteng gustong kumita. (Photos courtesy of Mau Victa)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results