PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dog named Vico gets a selfie with Mayor Vico Sotto

Sino pa ang may pet diyan na Vico rin ang name?
by Bernie V. Franco
Published Sep 30, 2022
vico sotto vido the dog
Asong si Vico, naka-selfie si Pasig Mayor Vico Sotto.
PHOTO/S: Vico Sotto on Instagram

Kinagiliwan ng netizens ang pag-post sa social media ni Pasig Mayor Vico Sotto ng larawan niya kasama ang isang pet dog na kanyang tukayo.

Sa pangunguna ni Mayor Vico, nagsagawa ang Pasig local government unit ng pet microchipping and vaccination nitong Miyerkules, September 28, 2022.

Binanggit ni Mayor Vico sa kanyang social media na isa ito sa “most requested services” sa siyudad na kanyang pinamumunuan.

Samantala, may scene-stealing moment si Mayor Vico kasama ang isang alagang aso na kapangalan niya, si Vico.

Ipinost pa nga ito ng alklade sa kanyang Twitter at Instagram accounts.

Makikita ang mayor na kumuha ng selfie kasama ang asong si Vico na hawak ng owner nito.

Caption ng mayor sa kanyang post: “Vico daw pangalan niya.”

vico dog mayor vico sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

vico sotto dog

May isa pa ngang netizen na nakuha ang atensiyon ni Mayor Vico.

Hindi tiyak kung nagbibiro ang netizen na nag-comment sa selfie ni Mayor Vico kasama ang aso.

Tweet ng netizen: “Vico din name ng aso namin”

Sagot ni Mayor Vico: “Ha”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ibinahagi rin ni Mayor Vico na ang serbisyong ito ay iro-rollout sa iba’t ibang lugar sa Pasig.

Idinetalye rin niya ang kahalagahan ng microchipping at vaccination.

Makakatulong ito sa pet identification kapag naligaw o nawala ang alaga, at para na rin sa health monitoring nila.

Dagdag pa ni Mayor Vico sa kanyang tweet: “Beyond many practical purposes like pet retrieval, this will help achieve the goal of Rabies Eradication by 2030.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asong si Vico, naka-selfie si Pasig Mayor Vico Sotto.
PHOTO/S: Vico Sotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results