PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Bride hindi sinipot ng groom sa kasal; inulan ng biyaya

Itinuloy ng bride na si Kayley Stead ang kasal kahit walang groom.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Sep 30, 2022
kayley stead viral wedding
Runaway groom ang drama ng dapat ay husband-to-be ni Kayley Stead ng Wales U.K. dahil hindi nito sinipot ang kasal nila ni Kayley. Pero the show must go on kay Kayley na itinuloy ang kasiyahan sa dapat sana ay reception. (Left photo, top: si Kayley kasama ang isa sa mga groomsmen. Left photo, bottom: sinira ni Kayley ang wedding cake sa suporta ng kanyang bridesmaids).
PHOTO/S: Kayley Stead Instagram / New York Post

Trending worldwide kamakailan ang bride na inindiyan ng kanyang groom isang araw bago ang kanilang kasal.

Pero the show must go on para kay Kayley Stead, ang bride na taga-Swansea ng Wales, United Kingdom.

Itinuloy niya ang okasyon dahil sa ginastusang wedding party.

Sa halip na ipagdiwang ang pag-iisang dibdib sana nila ng kanyang groom, naging celebration of self-love at pagmamahal ng mga taong dumalo sa kasal ang event.

Kaya bukod sa simpatiya ay dumagsa rin ang maraming blessing.

Marami rin ang humanga sa katatagan ni Kayley sa kanyang pagbangon mula sa biggest heartbreak ng kanyang buhay.

Nito lamang September 26, 2022 ay nag-guest si Kayley sa UK TV show na This Morning.

Nag-announce ang mga hosts na sina Holly Willoughby at Philip Schofield na bibigyan nila ng £2,000 (o higit PHP127,000) si Kayley para sa kanyang “honeymoon” kasama ang gal pals niya.

Bukod dito, naglunsad ng isang gofundme page ang malapit niyang kaibigang si Jordie Cullen noong September 19 para kay Kayley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At press time, nakalikom na ito ng £10,735 (o higit PHP683,000), lagpas ito sa goal na £10,000.

Kayley Stead

Tuloy ang buhay para kay Kayley Stead kahit di sinipot ng groom.

Nakasaad sa fundraising page na Kayley’s Fresh Start, naisipan nilang magkakaibigan na maglikom ng pondo para kay Kayley “so we can get her the clean slate she deserves and needs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Also Read:

ANG KASALANG NAUDLOT

September 16 itinakda ang pag-iisang dibdib ni Kayley, 27, sa kanyang kasintahan ng apat na taon na si Kallum Norton, 24, sa Oxwich Bay Hotel sa Gower, Swansea.

Handa na ang lahat, maliban sa groom, na huling nakausap ng dalaga 4:30 ng hapon bago ang araw ng kanilang kasal.

Natanggap ni Kayley ang balitang hindi balak sumipot ng groom habang siya ay nagbibihis para sa sana’y isa sa mga pinakamahalagang yugto ng kanyang buhay.

Noong una, buong pananalig siyang naniwala na magiging maayos ang lahat. Kaya’t sinabihan niya ang kanyang entourage na ituloy ang kanilang paggayak.

Hanggang matanggap niya ang isang tawag mula sa father of the groom.

Kuwento ni Kayley, “[Kallum’s] dad then rang me.

“He’s a matter-of-fact man, he’s a frank man and he said, ‘I am sorry, he is safe, but he is four hours away,’ and we had an hour to get married.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang interview sa This Morning, wala umanong kahit anong sign na gagawin ito ng kanyang kasintahan.

"I wish there was [a sign this would happen] because then I would have a reason to back up this decision but there wasn't.

“No relationship is perfect, but I honestly did think we were each other's person.”

Bagama’t confirmed nang hindi matutuloy ang kasal, naisipan ng dalaga na ituloy pa rin ang ilang seremonyas, lalo na ang wedding reception, kahit wala ang groom, upang masulit ang £12,000 (PHP763,893) na ginastos niya para dito.

Ayon sa mga ulat, tumuloy si Kayley sa wedding marquee sa saliw ng kantang Good as Hell ng singer na si Lizzo. Inanyayahan din niya ang lahat na mag-stay kasama ng kanyang bridal party, kabilang ang mga groomsmen, at in-enjoy ang reception.

Itinuloy pa ni Kayley ang first dance niya sa kanyang amang si Brian, 71.

Kayley Stead

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa punto ng pag-slice ng cake ay pinili niyang i-smash ito mula sa top-tier habang nakapalibot ang kanyang bridesmaids.

Kahit wala ang groom, marami pa ring memorable moments ang araw na iyon para kay Kayley.

“There were so many special moments, like my wedding entrance, the sparkler walk, the first dance, and punching the wedding cake. There was still happiness in the day.”

Hindi pinagsisisihan ng dalaga ang desisyong ipagpatuloy ang kasiyahan sa kabila ng lahat.

“The fact that everybody stayed meant more to me than anything else.”

KALLUM NORTON’S REACTION

“I don’t want to talk about the article.”

Ito ang tanging nasambit ng runaway groom na napag-alamang isa ring police officer.

Sinubukan kasi ng pahayagang The Sun na hingan ng statement si Kallum, ngunit tumanggi itong magkomento tungkol sa hindi pagsipot sa kanyang bride.

Ang nasabing sentence ang tanging reaksiyong ibinigay niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Runaway groom ang drama ng dapat ay husband-to-be ni Kayley Stead ng Wales U.K. dahil hindi nito sinipot ang kasal nila ni Kayley. Pero the show must go on kay Kayley na itinuloy ang kasiyahan sa dapat sana ay reception. (Left photo, top: si Kayley kasama ang isa sa mga groomsmen. Left photo, bottom: sinira ni Kayley ang wedding cake sa suporta ng kanyang bridesmaids).
PHOTO/S: Kayley Stead Instagram / New York Post
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results