Blessing para sa kahit sinong mag-asawa ang mabiyayaan ng anak.
Pero para sa mag-asawang John Rey at Amor Luardo ng Panabo City, Davao Del Norte, bukod sa blessing, may hatid pang suwerte ang baby nilang si John Vryelle.
Isinilang ang bunsong anak ng mag-asawa noong September 25, 2022 na may two front teeth agad!
Hindi ito pangkaraniwan. Katunayan, ang midwife ni Amor na si Judith Vasquez ay nagsabing, “Yun lang ang baby na napaanak ko na may ngipin.”
Bagamat nagulat noong una, naniniwala ang amang si John Rey na may hatid na suwerte ang bagong silang na sanggol.
Ayon sa kanyang interview para sa 24 Oras, “Suwerte na din sa amin po kase, nagpi-freelance po ako, [ngayon] madami po nag-i-inquire.”
Pero sapat na dahilan ba ito para huwag ipatanggal ang dalawang ngipin ni John Vryelle?
SUPERSTITIOUS BELIEF VS EXPERT’S ADVICE
Ang mga ngiping nakalabas na sa pagsilang ng sanggol ay tinatawag na natal teeth.
Kadalasan ang mga ngipin na ito ay hindi fully developed, may weak root, at kulay brown o yellow.
Ang cause ng natal teeth ay hindi pa rin natutukoy, pero ayon sa ilang pag-aaral, ito ay madalas na nakikita sa mga taong may growth conditions.
May iba-ibang paniniwala ukol sa two front teeth ng newborn: may masama at may maganda.
Ang karaniwang paniniwala ay good fortune ang dala ng natal teeth.
Iba naman ang interpretasyon sa China, kung saan itinuturing itong bad omen.
Sa Inglatera naman, simbolo ito ng pagiging magiting na pinuno.
Ngunit para sa dentistang si Dr. Maureen P. Ines-Manzano, superstitious beliefs lamang ang lahat ng ito.
Mahalaga na matanggal agad ang natal teeth ng bagong silang na sanggol upang hindi ito magdulot ng panganib, ayon sa dentista.
“Kailangan ipatanggal ito agad kase mahihirapan siya mag-breastfeed.
“Ang natal teeth ay matulis, maaaring magkaroon ng tongue injury or worse, dahil mobile ito at loose, maari itong malunok, pumasok sa kanyang airways and then, hindi na siya makahinga.”
Kaya naman ang mag-asawang John Rey at Amor, bagamat nagdalawang isip masiguro ang kaligtasan at magandang kalusugan ng kanilang anak.