Mahalaga ang may alam sa kasaysayan o history.
Ito ang pinatunayan ni Will Sideri, 24, ng Waterville, Maine, United States.
Last September 24, 2022 ay nagpunta si Will sa isang estate sale sa Maine para maghanap ng kitchen appliance, bookshelf, o vintage clothing.
Dito, nakita niya ang framed document na nakasabit sa dingding.
Mayroon itong elaborate script na nakasulat sa wikang Latin, musical notes, gold flourishes at sticker na may nakasulat na “1285 AD.”
Graduate ng history si Will sa Colby College, at batay sa napag-aralan niya sa manuscripts class, ang dokumento ay authentic na medieval.
Ang nakalagay na presyo, US$75 (PHP4,403.21).

Binili niya ang dokumento.
Agad kinontak ni Will ang dati niya propesor sa Colby College na si Megan Cook na pamilyar sa nakita niyang dokumento.
Natatandaan kasi niya na may isa pang pahina na katulad nito sa kanilang college collection.
Ipinakita naman ito ni Megan sa kapwa academician na si Lisa Fagin Davis na nakapagsagawa na ng research tungkol sa dokumento.
Si Lisa ay executive director ng Medieval Academy of America, at professor ng manuscript studies sa Simmons University sa Boston.
Nakumpirma nila na ang nabiling item ni Will ay authentic.
Ang parchment ay bahagi ng 309-page Catholic prayer book, ang The Beauvais Missal, na ginamit sa Beauvais Cathedral sa France noong late 13th century, ayon kay Lisa.
Aniya, ginamit ito mahigit 700 taon na ang nakalilipas sa pagdarasal ng mga Roman Catholic.
Ayon sa ulat ng The Maine Monitor, lokal na pahayagan sa area nina Will, isang expert sa manuscripts ang nagsabing ang dokumento ay nagkakahalaga ng US$10,000 (PHP 587,095.00).
Batay pa rin sa ulat, ang “full missal” o buong manuskrito ay dating pag-aari ng newspaper publisher na si William Randolph Hearst.
Naibenta ito ni William noong 1940s.
Ikinadismaya ni Lisa at ng iba pang academicians na nagkahiwa-hiwalay at kung saan-saan na napunta ang mga pahina.
Malaki naman ang interes ng mga scholars sa pahinang nabili ni Will, ani Megan.
Isa anila itong treasure dahil sa kabila ng age and condition nito, mas maganda pa rin kumpara sa isang pahina na nasa Colby collection.
Samantala, kahit posibleng mabenta nang mas mataas pa sa US$10,000 ang dokumento, walang plano si Will na ipagbili ito.
Aniya sa isang panayam, “This is something at the end of the day that I know is cool.
“I didn’t buy this expecting to sell it.”