PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy made jetcars by Chef Roel Cruz of Bulacan

Parang jetcars sa Amerika pero mas mura!
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Oct 7, 2022
jetcar
Si Chef Roel Cruz (left, top photo) ng Malolos, Bulacan ay seaman at naging chef sa barko. Pero dahil frustrated engineer, inilabas niya ang kanyang creativity sa paggawa ng jetcar o jetski na dinisenyong posh car. (Clockwise) Ang jetcar na bumabaybay sa ilog; Mercedes-Benz designed jetski, at si Chef Roel sakay ang kanyang Hummer-designed jetcar.
PHOTO/S: Chef Roel Cruz / Bulacan Trending Story

Naging popular man ang jetcar, o hybrid ng jetski at kotse, sa first-world countries, mayroon na rin nito sa Pilipinas!

Lumikha si Roel Cruz, isang chef mula sa Malolos, Bulacan, ng kanyang mas affordable version na hango sa amphibious vehicles or amphicars sa ibang bansa.

Ang malaking pagkakaiba, kung ang imported jetcar ay nagkakahalaga ng US$55,000 (humigit-kumulang PHP3.2 million), ang kanyang jetcar ay balak niyang ibenta ng PHP300,000 lamang!

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chef Roel nito lamang Thursday, October 6, 2022.

jetcar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa creativity ni Chef Roel Cruz, ang isang ordinary jetski (inset) ay ginawa niyang jetcar.

CHEF BY PROFESSION, ENGINEER BY HEART

Kuwento ni Chef Roel, passion na niya ang pagiging engineer noong bata pa siya.

Sa katunayan, kumuha siya ng kursong mechanical engineering ngunit hindi siya kinayang sustentuhan ng mga magulang.

Sa halip, nagtapos siya ng kursong hotel and restaurant management at kalaunan ay nag-shift sa pagiging seaman.

Noong siya ay malinya sa kitchen, muli siyang nag-aral upang maging head chef.

Matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa barko, pumirmi si Chef Roel sa Pilipinas.

Mina-manage niya ngayon ang Unli Crabs and Prawns Malolos restaurant na itinayo niya noong 2017.

Dahil mahilig siya sa mga bagay na kakaiba, nagplano siyang bumuo ng isang yacht kung saan kakain ang kanyang customers ng sariwang seafood habang bumabaybay sa ilog.

“Kaso sa sobrang mahal ng yacht, matatagalan bago matapos. Kaya jetski at jetcar ang ginawa ko," sabi ni Chef Roel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga jetski na ibinebenta sa halagang PHP149,000, gumawa rin si Chef Roel ng hybrid speedboat na may car body.

Hango ang kanyang mga design sa luxury car models ng Lamborghini, Ferrari, at Mercedes-Benz.

Meron din siyang ginawa na inspired sa sasakyang Hummer.

jetcar

Jetski na disenyong Hummer

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

jetcar

Upang mapababa ang cost, nagpunta siya sa mga junkshop at doon naghanap ng mga piyesa hanggang makabuo ng jetcar.

Sa ngayon, under trial pa ang mga ito kaya hindi pa niya inire-release sa market.

Nais muna niyang siguraduhin ang kaligtasan ng mga sasakay dito kahit malalaki ang alon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Speed is good. But we never tried yet pag malaki ang alon,” mensahe niya sa PEP.ph.

PARA SA TURISMO NG MGA BULAKENYO

Plano ni Chef Roel na gamitin ang kanyang mga jetcar upang i-boost ang tourism sa Bulacan.

Kuwento niya, “Ako pa lang kasi ang merong ganyan dito sa Pinas.

“Siyempre, curious ang ibang tao to experience something new.

“Sa boat, takot ang iba kasi maliit. Yung car malapad siya, matatag kaya maganda sakyan, bukod pa sa meron siyang sound system to enjoy the cruising.”

Naniniwala si Chef Roel na malaki ang maitutulong ng kanyang mga jetcars upang mapalakas ang turismo sa probinsya, lalo na kung ito ay sasamahan ng masasarap na putaheng lutong Bulakenyo.

Pinatunayan ni Chef Roel na iba talaga ang creativity ng mga Pinoy.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Chef Roel Cruz (left, top photo) ng Malolos, Bulacan ay seaman at naging chef sa barko. Pero dahil frustrated engineer, inilabas niya ang kanyang creativity sa paggawa ng jetcar o jetski na dinisenyong posh car. (Clockwise) Ang jetcar na bumabaybay sa ilog; Mercedes-Benz designed jetski, at si Chef Roel sakay ang kanyang Hummer-designed jetcar.
PHOTO/S: Chef Roel Cruz / Bulacan Trending Story
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results