PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Misteryosong busina ng barko sa Cebu City, hudyat ng kamatayan?

Busina ng barko na dinig sa isang sitio sa Cebu, hudyat ng kamatayan?
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Oct 8, 2022
barko cebu city
Nangangamba ang mga residente ng isang sitio sa Cebu City kapag naririnig nila ang misteryosong busina ng barko dahil ang kasunod umano nito ay kamatayan. Ano ang tunay na kuwento sa likod ng kababalaghang ito?
PHOTO/S: YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)

Takot at pangamba ang nararamdaman ng mga taga-Barangay Kalusanan, Cebu City, kapag narinig nila ang misteryosong busina ng barko.

Batay sa karanasan ng ilang residente, kapag narinig nila ang busina ng barko ay susundan ito ng balita ng kamatayan ng isa sa kanilang mga kapitbahay.

Sa report ng Kapuso Mo Jessica Soho nitong October 2, 2022, inilahad ng residenteng si Rosemelinda Dela Calzada nang marinig niya at ng kanyang mister ng busina ng isang barko.

Kuwento ni Rosemelinda, “Sabi ko sa asawa ko, ‘Narinig mo ba yun?’ Sabi niya, ‘Oo.’

"Kinabukasan, inatake ang asawa ko, on the spot, patay!”

Samantala, September 11, 2022, nang marinig ng pamilya ni Tatay Jose Rojo ang parehong tunog.

Kinabukasan, bigla na lamang umanong sumama ang pakiramdam ng kanyang anak na si Paul at kalaunan ay namatay ito.

At nito lamang nakaraang linggo, binalot ng pangamba ang isa pa nilang kapitbahay na si Jocelyn, nang malamang muli na namang umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na busina ng barko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyan naka-confine noon sa ospital ang kanyang anak na si Michael.

Matapos lamang ang tatlumpung minuto mula nang marinig ang misteryosong tunog, binawian ng buhay ang kanyang anak.

ANG MISTERYOSONG BABAE

Upang subukang kontrahin ang sunud-sunod na pagkakasakit at pagkamatay sa kanilang sitio, nagsagawa ng sama-samang pagdarasal ang mga residente sa pangunguna ni Alma Tanudtanud.

Matiyaga si Alma na nanggigising ng alas-tres ng madaling araw.

Bitbit ang kanilang mga kandila at ang imahen ng Immaculate Conception, taimtim silang nananalangin sa pag-asang matigil na ang sumpa sa kanilang lugar.

Pinuntahan din ni paranormal researcher Ed Caluag ang Bgy. Kalunasan upang subukang bigyan ng kasagutan ang misteryo.

Matapos ang paglilibot, may nararamdaman umano si Ed na elemento sa isang bahagi ng sapa sa sitio na “parang babae, medyo upset ang itsura niya.”

“Nagalit sila, maaari, sa mga dating nakatira dito kaya kumukuha sila ng buhay," sabi ng paranormal researcher.

Ngunit bukod dito, wala umano siyang maramdamang misteryosong barko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ng ilang taga-baryo, gumawa si Ed ng ritwal ng pag-aalay upang subukang payapain ang elemento.

Dagdag payo niya, pagtulung-tulungang linisin ang sapa at alisin ang mga basura dito.

ANG MISTERYOSONG BUSINA NG BARKO

Samantala, kasama ang ilang eksperto, nagsagawa ng pagsisiyasat ang KMJS team.

May natuklasan sila sa pinanggagalingan ng busina. Nagmumula ito sa isang pantalan na matatagpuan sampung kilometro mula ng Bgy. Kalunasan.

Ayon sa mga eksperto, ang mga tunog na nadidinig ay mga sound signal na nanggagaling sa barko na siya namang umaalingawngaw sa kanilang lugar.

Upang pakalmahin ang mga residente, nag-ikot ang mismong mga kawani ng barangay upang ipaliwanag ang sitwasyon at siguruhing wala silang dapat ikabahala.

Maaaring nagkakataon lamang ang pagtunog ng sound signal ng barko at ang ilang trahedya sa sitio.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nangangamba ang mga residente ng isang sitio sa Cebu City kapag naririnig nila ang misteryosong busina ng barko dahil ang kasunod umano nito ay kamatayan. Ano ang tunay na kuwento sa likod ng kababalaghang ito?
PHOTO/S: YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results