Hindi pa umaalis si Pamarayeg lll, ang juvenile Philippine eagle, sa lugar kung saan siya na-hatch sa gubat ng Mount Kitanglad Range Natural Park, Bukidnon.
Iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 12, 2022, na namataan at nakunan ng mga larawan si Pamarayeg lll ng grupong Wild Bird Photographers of the Philippines na kinabibilangan ni Ven Rojas.

Si Pamarayeg lll ang ikatlong inakay ng Philippine eagle na namataan sa nasabing spot sa Bukidnon, kaya may “lll” sa kanyang pangalan.
Ang “pamarayeg” naman ay Cebuano dialect na nangangahulugang “flirt.”
Mula nang makita si Pamarayeg lll, inakala ng mga eksperto ng Department of Natural Resources (DENR) na aalis na ito sa sa lugar kung saan siya na-hatch dalawang linggo matapos siyang makita ng grupo ni Ven, at mamumuhay nang mag-isa.
Ito raw kasi ang gawi ng Philippine eagle.
Pero ayon sa post ni Loel Lamela noong October 7, sa WBPP Facebook group, nasa nasabing spot pa rin si Pamarayeg lll at dinadalhan pa ng pagkain ng kanyang parents.

Sabi sa post ni Loel, “It's now more than four weeks since Pamarayeg III [P3] has fledged but continues to remain within the vicinity of the nest.
“According to Blacky, DENR's resident expert and forest ranger in the area, as soon as the parent eagles determine that P3 is strong enough to fly and hunt on its own, the parents will push P3 out of their forest.”
Ayon pa kay Loel, nakikita pa rin ng mga bisita sa area si Pamarayeg lll na nakadapo sa matataas na sanga ng puno.
Kung minsan naman ay nagsasanay itong lumipad.
Nakunan din niya ito ng larawan habang nagsasanay lumipad, nag-inat ng mga paa at nag-spread ng mga feathers nito.
Sinegundahan ito ni Miguel David De Leon, miyembro rin ng WBPP.
Ani Miguel, “Please let everyone know that Pamarayeg III returned to his nest the other day. His parents refuse to lead him away.
“Last Sunday [October 2], while I assisted Born To Be Wild, a parent bird dropped off a prey item for Pamarayeg III to feed on.”
Patunay ito na hindi pa handa na mamuhay na mag-isa si Pamarayeg lll, at kailangan pa niya ng suporta ng kanyang parents.
Ang pagkakatuklas kay Pamarayeg lll at sa mga nauna sa kanya ay pruweba na nadadagdagan pa ang bilang ng Philippine eagle sa wild.

Itinuturing na largest eagle in the world, ang Philippine eagle ay rare at critically endangered.
Ipinagbabawal ang mangaso ng Philippine eagle dahil kabilang ito sa mga protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147, “an act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats, appropriating funds therefor and for other purposes,” na nagkabisa noong July 30, 2001.