Kung inaakala niyo na imposible pa ang magkaroon ng lumilipad na taxi ay nagkakamali kayo.
Nito lamang Lunes, October 10, 2022, pinalipad na ang isang electric flying taxi model sa open area ng Dubai World Trade Center sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Pasilip ang ginawang demo kung paano magko-commute ang mga tao sa iba’t ibang siyudad na ang daan ay hindi sa kalsada kundi sa ere.
Ang flying taxi ay tinatawag na X2 at likha ng XPeng Motors, isang Chinese electric vehicle manufacturer sa Guangzhou, Guangdong sa China.
Ang X2 ay isang model sa tinatayang may isang dosenang flying car projects na dini-develop sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Kaya nitong magsakay ng dalawang pasahero.
Pilot-less ang taxi dahil mayroon itong autonomous flight capabilities at intelligent flight control systems.
Pinalilipad ito ng walong propellers, at kayang tumakbo ng 130 kilometers per hour.
Mainam ito sa quick point-to-point personal travel.
FLYING CAR LIFTS OFF IN DUBAI!
— Lovin Dubai | ???? ??? (@lovindubai) October 11, 2022
Unveiled at GITEX GLOBAL, the XPENG AEROHT is the largest flying car company in Asia. Not available for sale just yet, their vehicle is reportedly up and running for test flights. 1/2 pic.twitter.com/nhMgLvOYQz
Hindi rin nakapagtataka na sa mayamang siyudad ng Dubai ginawa ang demo.
Isang “luxury item” ang flying taxi, paglalarawan ni Omar Abdulaziz Alkhan, executive director for international offices sa Dubai Chamber of Commerce and Industry.
Marami-rami ang “can afford” na target market sa Dubai, kaya naman naangkop ang "luxury item" na ito.
Ani Alkhan, “The flying car is a luxury item and a lot of high net-worth individuals are looking for technology and such luxurious product. Dubai is the place where we have customers.”


At dahil kuryente ang nagpapagana sa sasakyan, hindi ito naglalabas ng carbon na delikado sa atmosphere.
Kaya ng X2 ang kabuuang bigat na 560 kilograms sa loob ng 35 minuto.
Samantala, sa tweet naman ng Lovin Dubai (@lovindubai), sinabi nitong nasa test flight phase pa lamang ang flying taxi at hindi pa ibinebenta.
Maaaring umabot pa ng ilang taon bago maging available ang serbisyong ito sa merkado.
Kailangan pa kasi nitong malusutan ang ilang issues kagaya ng battery life, safety, at air traffic control.
