Trending ang mga suot na anti-cheating hats ng mga mechanical engineering students ng Bicol University College of Engineering habang kumukuha ng kanilang midterm examinations last October 17-18, 2022.
Ang creative na idea para iwas kopyahan ay naisip ni Prof. Mary Joy Mandane-Ortiz.

Ani Prof. Mary sa kanyang Facebook post last October 18 (published as is), “Madalas midterm Exam ay stressful, nakakapressure, at nakakatakot tapos sinabihan ko pa sila na gumawa ng Anti-cheating Hat Para walang magkopyahan...
“Pero nakalimutan ko Mechanical Engineering Students Pala kayo.
“Pinagsama kalokohan at creativity. So proud to my very creative students.
“Kaya Yung midterm Exam na nakakatakot at nakakastress ay naging masaya at makulay.”

Batay sa disenyo ng mga hats, hindi puwedeng makita ang papel ng katabi para hindi matuksong mangopya.

Pagbabahagi pa ni Prof. Mary, “Kinuha ko po ang ideyang ito sa Facebook din mismo, pero laking gulat at tuwa ko dahil wala naman akong sinabi na pagandahin o maging creative sila.
“Ang Sabi ko Lang ay gumawa ng anti-cheating hat na sample sa pangatlong larawan.”

Pero pagbibigay-diin niya, “Naniniwala pa rin ako na ang pinakamabuti pa rin ay magkaroon ng integrity, mayroon o wala mang anti-cheating hat.”
Nagpasalamat din siya sa mga nag-react at nag-share sa kanyang idea.
“Maraming salamat po sa lahat ng naka-appreciate at napasaya dahil sa anti-cheating hats ng students ko.
“So proud of my students. Congrats!”
Nagbigay rin siya ng bonus points sa kanyang mga estudyante.