Naging laman ng social media kamakailan ang kuhang larawan ng nakakatakot na itsura ng isang nilalang na animo’y galing sa isang horror movie.
Pero ang kuhang larawang ito ay walang halong daya. Hindi computer-generated image at hindi ito ginamitan ng prosthetics.
Ito ang itsura ng langgam na kuha ng isang Lithuanian photographer gamit ang microscope photography.
Ang larawan ay isa sa entries sa isang annual photography contest na natapos nito lamang October 11, 2022.
Itsura ito ng carpenter ant gamit ang camera magnified five times.

Si Eugenijus Kavaliauskas ang kumuha ng photo, at isinumite niya ito sa 2022 Nikon Small World Photomicrography Competition.
Hindi naiuwi ni Kavaliauskas ang top prize, pero kasama ang kanyang kuha sa "57 Images of Distinction."
Ang winner ng kumpetisyon ay sina Grigorii Timin at Michel Milinkovitch, mga researchers mula University of Geneva.
Ang photo nila ay paa ng Madagascar giant day gecko, isang uri ng lizard.
Gamit ang microscopic photography, nakunan ang paa ng gecko “in brilliant, fluorescent detail.”

Ang winning photo na kuha ng isang paa ng isang Madagascar gecko
Inuwi nila ang $3,000 o higit PHP171,000 grand prize.
Mayroong 1,300 entries na sumali at natapos ito noong October 11.
ANG CLOSE-UP NA KUHA NG LANGGAM
Pero paano nga ba nakunan ni Kavaliauskas ang kanyang viral photo?
Kuwento ng wildlife photographer sa Insider, madali sa kanya ang makakuha ng subjects dahil nakatira siya malapit sa gubat.
Kaya naman hindi siya nahirapan na makahanap ng langgam.
Pero “boring” daw na kunan lang ang mga langgam na naglalakad sa lupa.
Kaya naisipan niyang ilagay sa ilalim ng microscope ang langgam at kunan ito ng larawan.
"I'm always looking for details, shadows, and unseen corners. The main goal of photography is to be a discoverer," ani Kavaliauskas sa Insider.

Ang itsura ng isang tumatalon na gagamba na isa rin sa nakakuha ng Image of Distinction sa Nikon Small World photography contest.
Bagamat marami ang namangha sa itsura ng langgam, sinabi ng photographer na hindi ito nakakatakot para sa kanya kundi nakakamangha.
Nasanay na nga raw siya dahil hindi naman ito ang unang beses na kumuha siya ng close-up photos ng mga insekto.
"When I first started with microphotography, I, too, thought all beetles looked a little like monsters," paliwanag niya.
"But now, I've gotten used to it, and am surprised that there are so many interesting, beautiful, and unknown miracles under our feet."
Samantala, marami ring nakamamahangha at nakagugulat na entries sa Nikon Small World Photomicrography contest.
Narito ang ilan pang photos na napiling Images of Distinction:
Langaw na nahuli ng isang tiger beetle

Close-up shot ng isang red speckled jewel beetle

