VIRAL: Ang nakakatawang tips ni Jordano Tecson, magna cum laude

by Bernie V. Franco
Nov 2, 2022
Jordano Tecson magna cum laude
Isa sa tips ng magna cum laude na si Jordano Tecson kung paano makakuha ng Latin honors: "Mag-sign of the cross sa harapan ng aming bahay kapag dadaan kayo."
PHOTO/S: Facebook (Jordano Tecson)

Viral kamakailan ang isang magna cum laude mula sa Oriental Mindoro dahil sa kanyang “tips” kung paano makakuha ng Latin honors.

Kung susumahin, madali lang ang practical tips ni Jordano Tecson, 21, para sa kanyang mga ka-barangay na naghahangad din maging magna cum laude.

Pero bawal seryosohin dahil ang tips niya ay may intensiyong magpatawa.

Si Jordano ay nag-graduate ng Bachelor of Arts in English Language Studies mula sa National University.

Dahil siya ang kauna-unahang magna cum laude sa kanilang pamilya, pinagawan siya ng tarpaulin na ipinaskil sa harap ng kanilang bahay sa Baco, Oriental Mindoro.

Ipinost sa Facebook ni Jordano ang larawan ng kanyang tarpaulin noong October 21, 2022, kalakip ang kanyang practical tips.

Post ni Jordano (published as is): “Mga ka-barangay ko, ito ang tips para maging Magna Cum Laude.

“1. Magsign of the cross sa harapan ng aming bahay kapag dadaan kayo.

“2. Mas effective kung pupunas kayo sa mismong tarpaulin pero magdala ng sariling face towel.

“3. Mas sobrang effective kapag maghuhulog doon sa basket bilang alay.

“4. Pede magtirik ng kandila pero kapag gabi lang.

“Galingan niyo,” pagtatapos ni Jordano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naaliw ang netizens.

May isa na nagpakuha pa ng larawan habang humahaplos sa tarpaulin ni Jordano.

jordano tecson magna cum laude

MAY SENSE OF HUMOR TALAGA SI JORDANO

Samantala, inamin ni Jordano na kilala talaga siya sa kanyang sense of humor.

“This is one of the main reasons why I posted my tarpaulin with that captions kasi alam ng lahat na katuwaan lang yun,” mensahe niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong October 29, 2022.

“Kilala po ako dito sa amin na mahilig mag-post sa social media ng mga nakakatawa na post kaya I did not hesitate to share it on my Facebook account.”

Mapapansin na nag-effort pa talaga si Jordano na maglagay ng basket sa harap ng tarpaulin niya.

Sabi niya, “Hehe yes po. Di ba yung iba kapag may mga wishes at naglalagay ng pera para mas maging effective yung prayer nila?

"Parang ganun po katuwaan lang naman.”

Inusisa ng PEP.ph si Jordano kung ano ang pinakanakakatawang komentong nakuha niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siguro yung part na tinatawag nila ako na ‘St. Jordano’ and may kadugtong pa na ‘Pray for us.’”

Aminado si Jordano na hindi lahat ay positive comments.

“Hindi lang talaga maiwasan na may mga taong mag-comment negatively, and that’s okay naman sa part ko.

“Sa ngayon po masaya ako kasi maraming tao yung natuwa talaga.”

Paano ba nakakatulong ang kanyang sense of humor sa pang-araw-araw niyang buhay?

“Sa ibang tao, siguro in a way na napapasaya ko sila during their difficult times,” sagot ni Jordano.

“Nung nagbabasa ako ng mga comments nila, sinasabi nila na the world is too cruel para seryosohin ang buhay at magalit.

“Dapat lagi lang daw tayong masaya at nagpapasalamat sila kasi nakapagbigay ako ng tawa at tuwa sa kanila.

“Sa sarili ko, malaki [naging tulong ng sense of humor] kasi never kong na-experience na maging sobrang malungkot sa buhay.

“Yung pagiging humorous ko ay nakatulong din sa akin na magkaroon ng mga tunay at maaasahan na kaibigan, and it’s a domino effect.

“It also boosts my confidence knowing na may mga tao na natutuwa at natatawa sa akin, never ako nag-hesitate na gawin ang isang bagay na makakatulong sa akin.”

jordano tecson magna cum laude

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa tips ng magna cum laude na si Jordano Tecson kung paano makakuha ng Latin honors: "Mag-sign of the cross sa harapan ng aming bahay kapag dadaan kayo."
PHOTO/S: Facebook (Jordano Tecson)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results