PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Laura Young's "rent my handy husband" business, patok na patok!

Booked na si James Young hanggang January 2023!
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Nov 4, 2022
Rent a husband handyman
"Rent my handy husband," ito ang pangalan ng negosyo ni Laura Young at asawang si James Young na nagsisilbing handyman sa mga misis na kailangan gumawa ng man's job. Kumikita sina James at Laura ng PHP35,000 kada araw.
PHOTO/S: James Linsell-Clark/ SWNS

Payag ka bang ipa-renta ang iyong mister kapalit ng mas maginhawang buhay?

Para kay Laura Young, 38, ng Milton Keynes, Buckinghamshire, England, susi sa maginhawang buhay ang pagkakaroon ng “husband for hire.”

Dahil ang kanyang mister na si James Young, 42, ay “pinaparentahan” niya at kumikita siya ng £40 o mahigit PHP2,650 kada oras.

Sa isang araw, halos 12 oras ang ginugugol ni James sa pagbibigay ng kanyang serbisyo, katumbas ang mahigit PHP31,000 na kita.

Ayon sa interview ni Laura sa MKCitizen, nagka-ideya siya nang mapakinggan niya ang podcast tungkol sa isang taong kumikita sa pagbubuo ng flat-pack furniture o mga ready-to-assemble na mga gamit sa bahay.

Dahil real handyman ang kanyang mister, naisip ni Laura na “ipahiram” si James.

Ang clients ay mga misis na kailangan ng handyman sa mga trabaho dahil hindi na naasikaso ng kanilang mga asawa dahil sa kanilang day jobs.

Sabi ni Laura ukol sa asawa: “He’s good at everything around the house and garden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So I thought, why not put those skills to use and hire him out?”

james young handyman husband

Noong June 2022, sinimulan ni Laura ang Rent My Handy Husband website.

Ang tagline nito, “For your handyman needs!”

In-advertise niya ito sa social media networks, tulad ng Facebook at Nextdoor app, at nagtuluy-tuloy ang pagdagsa ng mga kliyente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Di nagtagal, kinailangan ni James mag-full time sa pagiging handyman dahil booked siya six days a week, mula 9:00 a.m. to 8:00 p.m. and beyond.

Pero kalaunan, nagdesisyon si Laura na tumanggap ng trabaho mula Monday to Friday, simula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. para mapangalagaan ang kalusugan ng asawa.

Fully-booked si James hanggang mid-November ngayong taon.

May mga trabaho na rin silang naka-book para sa January 2023 at marami pa ang kanilang tinanggihan dahil hindi na kakayanin ng schedule.

KUMIKITANG KABUHAYAN

Iba’t ibang services ang ino-offer ng mag-asawang James at Laura sa pamamagitan ng kanilang website.

Kabilang rito ang pagpipintura ng bakod, paglilinis ng garden, pag-trim ng shrubs, pag-assemble ng mga furniture, woodworks, at iba pa.

Proud si Laura kay James na ang daming kayang gawin.

Malaking tulong ang raket na ito para sa pamilya, lalo na para sa kanilang tatlong anak; ang dalawa sa mga ito ay na-diagnose with autism spectrum disorder.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mismong si James ay na-diagnose din ng parehong kondisyon.

At ito umano ang dahilan ng kanyang pagiging focused at pulido sa mga gawain.

james young rent a handyman husband

Dahil bago ang ideya, may ibang nagkakamali ng intindi tungkol sa “pagpapahiram” ni Laura sa kanyang asawa.

Ani Laura, “There’s been a few that get the wrong idea and think I’m hiring James out for something else entirely!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Even with the cost of living crisis, I’m not planning to do that!” paglilinaw niya.

Pero mas marami ang naniniwalang isa itong “brilliant at very helpful idea.”

Sabi ni Laura, “They say it’s sometimes hard to get builders to quote for little jobs as they’re not interested.

“James is perfect for things like putting flat packs together, putting up trampolines, buildings shelves and installing things.

“Sometimes it's quicker and easier to get someone in to do a job we've been waiting on our husbands to do for what feels like a lifetime...

“Life gets in the way and those jobs get put to the side.”

Noong simula, pagpapalit ng door frame ang kanilang ginagawa.

Kalaunan, samu’t saring trabaho na ang kinaharap ni James.

Si Laura naman ang busy sa pagma-manage ng kanilang website at social media accounts.

NEGOSYONG MAY PUSO

Walang maliit o malaking trabaho para sa mag-asawa. At sinisiguro nila ang quality ng outcome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbibigay din ang mag-asawa ng discount para sa mga disabled people at kanilang mga carers, gayundin sa mga nagtatrabaho sa NHS o National Health Service at emergency services, senior citizens, at mga taong may universal credit.

Sabi ni Laura, “We know what it's like to be parents of children with special needs, and we've known what it's like to struggle for money or have to save.”

Para sa nalalapit na Kapaskuhan, idinagdag nila ang pagkakabit ng festive lights sa mga available services.

Plano din ni James na bumalik sa college at mag-aral ng motor mechanics habang patuloy ang kanyang pagiging hubby-for-hire.

Nais kasi niya na mas mapalawak pa ang kanyang kakayahan at lalo pang mapalago ang kanilang kabuhayan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Rent my handy husband," ito ang pangalan ng negosyo ni Laura Young at asawang si James Young na nagsisilbing handyman sa mga misis na kailangan gumawa ng man's job. Kumikita sina James at Laura ng PHP35,000 kada araw.
PHOTO/S: James Linsell-Clark/ SWNS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results