PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: "Excuse later" at iba pang funny bloopers ng mga estudyante

Witty and honest!
by Bernie V. Franco
Published Nov 7, 2022
witty punchlines students
Narito ang ilan sa punchlines ng mga estudyante sa kanilang test papers at workbook. Merong pilyo, merong honest, merong hindi sinasadya, pero lahat nakakaaliw.
PHOTO/S: Facebook (CTTO)

Sa school natututo ang mga estudyante, pero dito rin nadidiskubre ang kanilang personalidad.

May mga pagkakataong lumalabas ang kanilang sense of humor.

Minsan naman, may mga hirit sila na nakakatawa kahit hindi nila sinasadya.

Gaya na lamang ng ilang written words na ito ng mga estudyante na nag-viral dahil sa pagiging witty at hatid na good vibes.

Read: "Wrong send" messages ng netizens, bentang-benta sa social media

"EXCUSE LATER"

Natatandaan niyo pa ba ang first excuse letter na inyong naisulat para kay Teacher dahil plano ninyong um-absent?

Markado ang “excuse later” (excuse letter) na ginawa ng isang estudyanteng nagpaalam sa kanyang guro dahil dadalo siya sa birthday celebration ng kanyang pinsan.

Nailabas din ng estudyante ang kanyang pagkamalikhain dahil may drawing pa siya sa kanyang excuse later, este excuse letter, tungkol sa masayang birthday activities.

Nasa salitang Cebuano ang liham ng estudyante.

Aniya (translated): “Excuse Later Ma’am hindi muna ako papasok ngayon dahil maliligo kami sa dagat kasi birthday ng aking pinsan maraming pagkain ma’am.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

excuse later

Natuwa ang ilang netizens sa pagiging honest ng estudyante.

Pinuri rin nila ang “complete details” ng liham dito dahil sa illustrations.

May humanga rin sa estudyante na nagawa niyang i-express nang maayos ang kanyang nais ipaabot sa teacher.

excuse later

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

excuse later

excuse later

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mayroon ding pumuna at hindi sumang-ayon sa purpose ng letter.

"HINDI KO ALAM"

Isa ring estudyante ang umani ng papuri sa mismong teacher niya dahil sa pagiging honest nito.

Hindi alam ng estudyante ang mga sagot sa pagsusulit. Nakakuha siya ng 25 correct answers sa 50 questions.

“Hindi ko po alam,” sulat ng estudyante sa kanyang test paper.

Sinagot ito ng maunawaing teacher sa test paper: “ok nak... Aralin natin ulit. Salamat sa pagiging honest [smiley]”

viral test paper

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ito ni Teacher Jamoi Ray Vedasto at ang tiningnan niya ay ang positive side ng sitwasyon.

Post ni Teacher (published as is): “Ung mgiging honest ka na di mo alam... It's okay.... Kailangan ntn ipaalam sknla na it's okay na di nila alam...

“Dahil dito palang pinapakita na nila at naamin sa sarili nila na nahihirapan sila...”

“MAG-ARAL KA MUNA"

Naging prangka naman ang isang teacher sa kanyang estudyante na pakikipag-date ang nais atupagin.

Mukhang may crush ang estudyante kay teacher!

Sa intermediate paper ng estudyante sa kanyang ginawang test, kahit sinong teacher ay magugulat sa isinagot niya sa “date” o “petsa.”

Date: “tayu,” sagot ng pilyong estudyante na nakakuha ng 10 correct answers sa 25 questions.

Sa tabi ng grado sa exam, isinulat ni “Sir Mel” ang “Mag-aral ka muna.”

date tayu test paper

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Facebook page ng 88.5 Brigada News FM station sa Cebu, nagbigay ng paliwanag si Sir Mel tungkol sa background ng post.

Anang guro: “First Quarter Examination lang po nila nung nakaraang linggo, while checking their output yan yung nakalagay.

“Ang witty lang kasi dinugtungan nya yung word na date sa papel nya ng 'tayu’ asking Date 'tayu.'"

Dagdag ni Teacher, "Regardless of the score na nakuha nakakatuwa lang na ganun kapilyo yung paraan ng pag-iisip nya...seryoso man o hindi ang pag-aaya ng date, natuwa lang ako..hehehe.”

Tama si Teacher na dapat pag-ingatan at panatilihin ang student-teacher relationship sa pagitan nila ng estudyante.

WATATAT

Good vibes din ang hatid ng isang estudyante sa kanyang sagot sa jumbled letters exam sa kanilang Filipino workbook.

Base sa screenshot, kailangang i-rearrange ang jumbled letters para makabuo ng salita.

Ang jumbled letters: “TAWTATA” kalakip ang illustration ng Philippine flag.

Sagot ng estudyante: “WATATAT”

watatat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaaring nakakatawa ang sagot, pero nakahanap ng kakampi ang estudyante sa ibang netizens.

Katuwiran nila, may missing letter sa jumbled letters. Kulang kasi ng letter "W" para mabuo ang salitang WATAWAT.

Sabi ng netizens “on point” at “tama yung bata.”

watat

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Narito ang ilan sa punchlines ng mga estudyante sa kanilang test papers at workbook. Merong pilyo, merong honest, merong hindi sinasadya, pero lahat nakakaaliw.
PHOTO/S: Facebook (CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results