PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Anti-cheating pakulo para sa Grade 9 students sa Bulacan

“Hindi rin ako nag-review sorry.”
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Nov 10, 2022
anti cheating punchlines
Kanya-kanyang pakulo ang teachers sa iba't ibang eskuwelahan sa bansa para sa anti-cheating campaign. Gaya na lamang ng isang adviser sa Malolos, Bulacan na mga panalong punchlines ang nakasulat sa folders ng mga estudyante sa kanilang pagsusulit.
PHOTO/S: Facebook (Marhiya Ahna Jey)

Mabenta sa social media recently ang anti-cheating campaigns sa iba’t ibang paaralan sa Pilipinas.

Bukod sa nagiging viral, nakakatulong naman ang mga ito na maibsan ang tension na nararamdaman ng mga estudyante tuwing may pagsusulit. Aminin!

Gaya na lang ng ginawa ni Teacher Maria Anna G. Javier sa kanyang Grade 9 students sa Marcelo H. del Pilar National High School sa Malolos, Bulacan.

Bilang reminder, may panalong punchlines na nakasulat sa folders ng mga estudyante para takpan ang kanilang test papers.

Ang post ni Teacher Maria Anna ay may petsang October 27, 2022.

ANTI-CHEATING REMINDERS

Narito ang ilang bentang-benta na anti-cheating reminders para sa classmates na lumilikot ang mga mata dahil nais mangopya:

ILAN SA KANILA ANG MAY HALONG HUGOT:

- “Kopya ka? Kiss muna.”

- “Write your answers clearly. Yung malinaw! Di tulad ng feelings niya sa iyo, magulo na malabo pa!”

- “Isa pang tingin sige, iisipin ko crush mo ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

anti cheating punchlines

anti cheating punchlines

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ:

Mayroon namang parang nanggi-guilt trip:

“Wag ka nang umasa. Parehas lang tayong di papasa.”

“Wag mong subukan [kumopya]. Masisira ang buhay mo."

“Akala ko ba ‘Bahala na si Lord?’ Bakit sa akin ka nakatingin?"

“Pag-asa ka ng bayan tapos sa ’kin ka lang aasa?”

anti cheating punchlines

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

anti cheating punchlines

anti cheating punchline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba naman ay talagang patawa:

“Hindi rin ako nag-review sorry.”

“Overthinker pero ‘di makapag-think sa exam.”

“Finish the exam within 1 hour. Alam mo dapat kung kelan ka susuko. Pag tapos na, tapos na!”

“Kung edukasyon ang susi sa kinabukasan, sino ang nag-lock?”

anti cheating punchlines

anti cheating punchlines

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEXT-LEVEL ANTI-CHEATING DEVICES

Recently, sunud-sunod ang pag-trend sa social media ng pakulo ng mga guro nitong nakaraang linggo nang ganapin ang first quarterly exams sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Mula sa mga nakakatuwang anti-cheating devices hanggang sa exam treats, patunay ito na nag-iiba na ang panahon.

Mas creative ang mga guro at maging ang mga estudyante upang malagpasan ang kadalasan ay nakaka-drain at ubos-lakas na exam period.

Ang mga pagsusulit ay ginagawa upang masukat ang kahandaan ng mga estudyante na umusad sa mga susunod na lessons, base sa kanilang natutuhan sa mga nagdaan.

Mahalaga na makitang naghanda ang mga estudyante sa mga pagsusulit sa pamamagitan ng pagre-review at hindi aasa lamang sa pangongopya sa mga kapwa estudyante nila.

Kung nakapag-develop ng iba’t ibang pakulo sa pangongopya ang mga estudyante through the years, mukhang may solusyon na rito ang mga guro sa pamamagitan ng mga anti-cheating devices. Ang kanilang motto ay, “No to cheating, yes to learning!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Facebook user na si Cliff Chew, UST Commerce ang nagsimula ng anti-cheating device noon pang 2009 sa patnubay ni Sir Edwin M. Suson.

“From mukhang kaming sasali sa karera ng kabayo noon to head cosplay kayo ngayon.”

Mula sa mga litratong naglabasan sa Facebook at iba pang social media networks, masasabing nag-level up na nga ang mga guro at estudyante sa paggawa ng paraan upang maiwasan ang pangongopya during exams.

May mga kakaiba at nakaka-amaze na headgears at may mga “hugot” folders. Nakakatuwang makita everywhere ang effort at creativity ng mga nasa academe.

Kaya naman ang ilang guro ay effort din sa pag-award ng Best Anti-Cheating Device sa kani-kanilang mga klase.

Si Teacher Kathie S. Kawakami ay nagpamahagi ng gifts and prizes mula sa kanyang mga “sponsors.”

EXAM TREATS

Iba naman ang naging approach ni Sir Matthew Legaspi upang i-inspire ang kanyang mga estudyante na mag-perform nang mabuti sa kanilang exams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang treat at pang-motivate, naghanda siya ng donuts para sa lahat.

Kuwento ni Teacher Matthew sa Pilipino Star Ngayon, nakasanayan na niya ang pagbibigay ng treats sa kanyang mga estudyante simula nung siya ay nagtuturo sa pribadong paaralan at lalo na ngayong nalipat siya sa pampumblikong paaralan.

Ginagawa niya ito upang mabawasan ang stress ng mga estudyante tuwing sasapit ang exam.

Ayon pa sa kanya, “Di ko naman po ginagawa ito for fame or something... bukal lang po talaga sa akin gawin ito sa mga bata.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kanya-kanyang pakulo ang teachers sa iba't ibang eskuwelahan sa bansa para sa anti-cheating campaign. Gaya na lamang ng isang adviser sa Malolos, Bulacan na mga panalong punchlines ang nakasulat sa folders ng mga estudyante sa kanilang pagsusulit.
PHOTO/S: Facebook (Marhiya Ahna Jey)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results