PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aso shock na shock nang ginising ng rhino

“Imagine waking up to something like that”
by KC Cordero
Published Nov 19, 2022
Rhino nudging the sleeping dog
Ang video na ini-upload ni Susanta Nanda kung saan ginising rhino ang nahihimbing na aso ay isa aniyang patunay na ang malaking hayop ay “really gentle.”

Cute and very funny ang nakunang video ni Indian Forest Service officer Susanta Nanda tungkol sa isang rhino na ginising ang himbing na himbing na aso sa gilid ng daan.

Ang video na ini-upload ni Susanta sa Twitter noong November 15, 2022 ay nakakuha na ng mahigit 91K views, at 3.9K reactions at press time.

Screenshot of Susanta Nanda's tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa simula ng video ay makikitang basta na lang sumulpot ang rhino at nilapitan ang tulog na tulog na aso.

Inamuy-amoy nito ang aso, na nagmulat ng mga mata nang maramdaman iyon.

Dog got scared

Maoobserbahang na-shock ito sa nakitang malaking hayop na umaamoy sa kanya.

Napatahol ang aso, napatalon saka buong bilis na tumakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiwan ang rhino na tila nagtataka sa nangyari, at nagpatuloy sa marahang paglalakad.

Dog ran away

Nilagyan ni Susanta ang video ng caption na: “If you wanted any proof that the Rhinos are really gentle.”

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa video at kanya-kanyang comment.

Sabi ng isang Twitter user, “Nightmare for the dog.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Komento ng isa pa, “Imagine waking up to something like that."

Ang nag-upload ng video na si Susanta ang Principal Chief Conservator of Forests (PCCF) Nodal sa Odisha, isang eastern Indian state sa Bay of Bengal.

Isang nature lover and wildlife enthusiast, recipient siya ng pinakamataas na award sa forestry sa India noong 2007 dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa forest and environment sector sa kanyang bansa.

Marami pa siyang uploaded videos ng animals sa kanyang Twitter account.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang video na ini-upload ni Susanta Nanda kung saan ginising rhino ang nahihimbing na aso ay isa aniyang patunay na ang malaking hayop ay “really gentle.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results