PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teacher sa Cagayan, ipinamana ang old medals sa honor students

Nakalimutang ibilhan.
Published Nov 25, 2022
donald aguinaldo medals
Nakalimutang bilhin ang medals ng mga estudyanteng ito sa Piat National High School sa Cagayan, kaya ang remedyo ni Teacher Donald Aguinaldo (far left), mga dating niyang medals ang ginamit. (Insert) Tinahi ni Teacher Donald ang natatastas na ribbon ng medals.
PHOTO/S: Facebook (PIA Region 2)

Naku, nakalimutang bumili ng mga bagong medalyang isasabit sa honor students ng Piat National High School sa Cagayan!

Buti na lang, to the rescue si Teacher Donald Aguinaldo.

Pinuri ng netizens ang guro dahil sa desisyon nitong ipamana ang sariling mga medalya sa kanyang honor students.

Aminado si Donald na may sentimental value ang kanyang medals dahil remembrance niya ang mga ito sa pagiging honor student noong nasa elementarya pa siya.

Pero nagdesisyon siyang ipamana ang mga ito sa kanyang mga estudyante na hinahangad niyang balang araw ay makakatapos rin ng pag-aaral.

Ang kuwentong ito ni Donald ay iniulat ng Philippine Information Agency (PIA) Region 2 sa isang Facebook post ngayong November 24, 2022.

Ayon kay Donald, nang malaman niya ang sitwasyon, naalala niya ang natatago niyang medals na isinabit sa kanya nang magtapos siya sa elementary labimpitong taon na ang nakalilipas.

Itinago niya ang mga ito sa isang cabinet at nakapaloob sa latang lalagyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinuha ko sa cabinet at binuksan. Kasama ng mga medalya ang mga sertipiko ng parangal, mga liham ng aking paaralan noong hayskul at college sa aking magulang upang dumalo sa aming recognition rites,” ani Donald sa ulat ng PIA Region 2.

“Malaki ang sentimental value ng mga bagay na ito sa akin kasi laging sinasabi ng Mama na wala siyang yaman na maipamamana sa amin bukod sa aming edukasyon.”

medals

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang mga medalya sa kanya.

“Nagsumikap talaga kami ng aking kapatid because we don’t want to fail ang aming ina na nabiyuda sa edad na 27, at napilitang mangibang-bansa bago ako tumuntong ng Grade 1.”

MGA MEDALYANG MAY SENTIMENTAL VALUE

Dahil halos dalawang dekada na ang nakalilipas, naluma na ang mga itinagong medalya.

Sabi ni Donald, “Pagkalabas ko ng mga medalya, gasgas na ang mga ito at natatastas na ang ribbon o laso dahil sa kalumaan.

“Elementary graduation taong 2005 noong ma-receive ko ang mga medalya, kung saan ako nagtapos as Class Valedictorian ng aming batch.

“Ibig sabihin, mas matanda pa ang mga medalya kaysa sa mga estudyante na makakatanggap nito.”

Para maremedyuhan ang natastas na mga ribbon, tinahi ito ni Donald gamit ang sinulid at karayom.

medals

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit daw ang nanay niya ay nag-alala na ipamimigay ni Donald ang mga pinakatago-tagong medalya.

Sabi ng kanyang ina, mawawalan na siya ng remembrance.

Sabi naman ng guro, “Pero sa isip ko hindi mawawala yung ‘remembrance.’ Because if I see these learners succeed today and in the future, this ‘remembrance’ shall live on."

Naging emosyunal daw ang ina ni Donald subalit proud naman ito sa ginawa ng anak.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalimutang bilhin ang medals ng mga estudyanteng ito sa Piat National High School sa Cagayan, kaya ang remedyo ni Teacher Donald Aguinaldo (far left), mga dating niyang medals ang ginamit. (Insert) Tinahi ni Teacher Donald ang natatastas na ribbon ng medals.
PHOTO/S: Facebook (PIA Region 2)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results