Kilalanin si Larry the Cat, ang "Chief Mouser" o pangunahing tagahuli ng daga sa 10 Downing Street, ang residence at office ng British prime minister.
Ginaganap din sa 10 Downing Street sa Westminster, London, United Kingdom (U.K.), ang ilang mahahalagang pagpupulong at mga desisyong may malaking epekto sa pamamalakad sa Great Britain.
May international reputation si Larry at naging special mention pa sa delivery speech ng mga dating prime ministers.
Ilang beses na rin siyang naging laman ng national news sa Britanya.
At kung patatagan ang pag-uusapan, walang binatbat ang prime ministers kay Larry.
Ilang prime ministers na kasi ang nakatapos ng kanilang termino, nandoon pa rin si Larry at hindi pa rin siya natitinag sa kanyang puwesto.
Kinse anyos na ang pusang si Larry.
PRIME MINISTERS OUTLASTED BY LARRY THE CAT
Ang British prime ministers na sina David Cameron (2010-2016), Theresa May (2016-2019), Boris Johnson (2019-2022), at Liz Truss ang mga naabutan at napagsilbihan ng maabilidad na si Larry the Cat.
Dahil itinuturing na prominent figure sa Great Britain si Larry the Cat, isang malikhaing netizen ang gumawa ng isang satirical Twitter account gamit ang persona ng pusa.
Noong Oktubre 2022, nag-viral ang isang tweet sa Twitter account ni "Larry" dahil inunahan nito ang pag-aanunsiyo ni Liz Truss ng kanyang pagbibitiw bilang prime minister.
Nagtagal si Truss sa kanyang puwesto sa loob lang ng three weeks.
“The King has asked me to become prime minister because this nonsense has gone on long enough,” sabi ni "Larry" sa kanyang unofficial Twitter account na may higit 811,000 followers.
Naka-follow pa kay Larry The Cat ang aktor na si Jake Ejercito, na nagtapos ng politics sa Queen Mary University sa London.
LARRY, A RESCUED CAT
Nagsimula ang appointment ni Larry bilang “Chief Mouser” ng 10 Downing Street noong February 15, 2011.
Ito ay pagkatapos naispatan ng mga TV camera ang isang daga sa may bandang labas ng bungad ng prime minister’s office.
Ang prime minister pa noon ay si Cameron na siyang nag-rescue kay Larry mula sa Battersea Dogs & Cats Home.
Noong October 25, 2022, itinalagang bagong prime minister si Rishi Sunak, na nanilbihan noon kay Boris Johnson.
Ibig sabihin, limang prime minister na ang dumadaan sa paws ni Larry The Cat.
At matapos ang labinlimang taon, nananatili si Larry sa kanyang puwesto sa Cabinet office.
“Lots of people asking whether it’s Liz Truss or Jeremy Hunt [ex-Chancellor of the Exchequer] who’s in charge,” tweet ni "Larry" kamakailan.
“It’s neither. I am. I’ll be here long after they’re both gone.”
LARRY, THE SUPERSTAR CAT IN U.K.
Sa kabila ng maingay at magulong mundo ng pulitika sa U.K., ang presensiya ni Larry ay ikinatutuwa ng British citizens.
Maraming beses na siyang scene stealer sa mga pictorial at video coverage ng mga visiting dignitaries.
Kinagigiliwan din ang cute antics ni Larry na very typical of a cat.
Kaya hindi kataka-takang meron siyang malaking following sa social media.
SLEEPING BEAUTY LARRY
Naging laman din siya ng balita noong makatulog sa ilalim ng The Beast, ang limousine ni U.S. President Donald Trump.
Nangyari ito noong 2019 noong dumalaw si President Trump kay Prime Minister May.
Mabuti na lamang at kusang lumabas ang pusa mula sa kanyang tinutulugan.
Ayon sa National Public Radio, hindi ito ang unang experience ni Larry na naging newsmaker siya.
Noong 2016, nilinaw ni Cameron sa kanyang speech sa Parliament ang mga balitang hindi niya gusto ang pusa.
“And the rumor that somehow I don’t love Larry—I do. And I have photographic evidence to prove it.”
Ipinakita niya ang larawang magkatabi sila ng sikat na pusa sa isang armchair. Nagtawanan na lang ang members ng Parliament.
Nilisan na nina Cameron, May, at Truss ang 10 Downing Street.
Pero si Larry, nanatili sa kanyang puwesto bilang Chief Mouser.