PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aso sa Cebu City, nanalo sa kaso

“No to pet and breed discrimination.”
by KC Cordero
Published Dec 2, 2022
Photo of Kimbo
Na-discriminate si Kimbo sa subdivision kung saan nakatira ang kanyang fur parents dahil pilit siyang isinasama ng mga nagreklamo sa listahan ng prohibited animals sa loob ng subdibisyon.

Nagwagi ang "client" ni Atty. Ben Cabrido Jr. na si Kimbo sa kasong isinampa laban dito sa Regional Trial Court Branch 18 ng Cebu City.

Si Kimbo ay isang aso na ang breed ay American Bully.

Si Atty. Cabrido, bukod sa pagiging practicing lawyer, ay isang environmental law professor at legal consultant sa mga usaping may kinalaman sa environment.

Photo of Atty. Ben Cabrido Jr

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang post ng abogado sa kanyang Facebook account noong November 30, 2022 ay tungkol sa naipanalong kaso.

Nakasaad dito: "This is Kimbo, our American Bully client.

“In the dog injunction case heard before the Regional Trial Court Branch 18 of Cebu City in the last quarter of 2018, Atty. Dulhao and I argued passionately for his right to be with his human family despite their subdivision's anti-pitbull policy.

“And he won.”

Photo of Kimbo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang binanggit ang abogado kung saang subdivision nakatira ang fur parents ni Kimbo.

Batay sa bahagi ng desisyon na ipinost din ng abogado sa kanyang Facebook account, malinaw sa mga nakasaad na probisyon sa mga kasunduan na tanging "cattle, pigs, sheep, carabaos or horses and their similar class" ang ipinagbabawal sa subdivision premises.

Copy of court decision

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi umano pig o bovine si Kimbo kundi isang domesticated pet.

Hindi rin dapat magpatupad ang subdivision ng patakaran na nagbabawal alagaan ang partikular na breed ng aso.

Positibo ang naging reactions ng netizens sa resulta ng kaso ni Kimbo.

Marami ang nagsabing kahit anong breed ng aso, ang pagiging agresibo nito ay depende kung paano itrato ng mga tao.

Pinatunayan din nilang hindi mapanganib ang breed ni Kimbo.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens' comments

Ang American Bully ay "friendly and extremely intelligent" dogs.

Good choice din ito bilang guard dog dahil matapang siya pero hindi agresibo at maganda ang temperamento.

Mahalaga sa breed na ito ang socialization kaya ipinapayo sa mga owners na importanteng ma-expose ito sa iba’t ibang tao at hayop habang tuta pa lang para masanay makihalubilo sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang panalo ni Kimbo sa kaso ay patunay na kinikilala ng ating batas at mga hukuman ang animal’s rights.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-discriminate si Kimbo sa subdivision kung saan nakatira ang kanyang fur parents dahil pilit siyang isinasama ng mga nagreklamo sa listahan ng prohibited animals sa loob ng subdibisyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results