PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bride receives parcel delivery at wedding reception

Walang makakapigil sa delivery, kahit sa mismong wedding day
by Bernie V. Franco
Published Dec 12, 2022
wedding day delivery rider
Nag-viral ang bride na si Loren Borrios Tayomora dahil itinigil niya ang kasiyahan sa reception nang tumawag ang delivery rider.
PHOTO/S: Loren barrios tayomora

Walang nakapigil sa kasal ng couple na ito sa Bicol, pero naantala ang kasiyahan during the reception.

Dumating kasi ang delivery ng bride mula sa isang online shopping app.

Sa kasagsagan ng kasiyahan sa reception ni Loren Barrios Tayomora at ng groom nito, bigla itong natigil dahil dumating ang parcel ni Loren.

Kumakalat ngayon sa social media ang nakakatawang pangyayari na binigyan ng iba'y ibang captions ng netizens gaya ng, “Itigil ang kasiyahan” at “Shopee is life.”

Kinumpirma ni Loren ang pangyayaring ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Lunes, December 12, 2022.

Message ng bride sa PEP.ph, “Yes po. Nag-stop po kasi ako po yung sumasayaw, e, and si hubby.

“Bale Pantumina, traditional wedding dance po siya dito sa amin sa Bicol.

“We are in the middle of reception nung nasa may gate na si Kuya Rider po.”

Kuwento pa ni Loren, “Actually, I didn't expect the parcel to arrive on that day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Akala ko po on Saturday pa siya since wala din pong text si J&T [courier] na may for delivery po.”

Nangyari ang kasal noong December 8, Huwebes.

Sa video na ipinadala ni Loren sa PEP, makikita ang paglabas niya sa gate—hawak-hawak pa ang basket na naglalaman ng pakimkim mula sa mga bisita.

Naantala ang Pantumina.

Maagap naman ang videographer sa pagsunod sa bride para makunan habang personal na ni-receive ng bride ang kanyang delivery mula sa rider.

bride wedding delivery rider

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagtagal, nakuha ni Loren ng kanyang item.

Message ni Loren (published as is), “Wala naman pong problem kasi naka-shopee pay naman na po yun me receive ko nalang po talaga.”

Ganito naman ang Facebook post ni Loren (published as is): "’Parcel po ni ma'am Loren Portugal Barrios" Yes po, Opo may shopee delivery pa rin po tayo sa mismong Wedding Day Thank you po Kuya Rider.”

Ang insidenteng ito ay nakadagdag sa kasiyahan ng mga bisita sa wedding.

Ani Loren sa PEP: “Nagtawanan po talaga kasi nandon lahat ng bisita, and unusual po kasi na sa special event may pa-parcel delivery daw po hehe.”

Samantala, nag-react ang courier service na nag-handle ng parcel ni Loren.

Nag-post ito ng pasasalamat kay Loren nitong Linggo, December 11.

May nakatutuwang rebelasyon pa ang courier service.

Tinukoy nito ang kanilang rider at ang magandang pangyayari sa buhay nito bago sumapit ang Pasko.

Post ng courier service: “Siya po ang aming rider na si Mr. Elmer Nolasco at malapit na din po ang kanyang kasal sa darating na December 21, 2022”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

wedding day delivery rider

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-viral ang bride na si Loren Borrios Tayomora dahil itinigil niya ang kasiyahan sa reception nang tumawag ang delivery rider.
PHOTO/S: Loren barrios tayomora
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results