Opisyal nang kinilala ng Guinness World Records noong December 14, 2022, ang 20-year-old Iranian na si Afshin Esmaeil Ghaderzadeh bilang “world’s shortest man living."
Ipinanganak si Afshin noong July 13, 2002.
Ang kanyang height ay 65.24 centimeters o 2 feet and 1.6 inches.
Mababa siya ng halos 7 centimeters o 2.7 inches sa previous record holder, ang 36 anyos na si Edward "Niño" Hernandez ng Colombia.
Naninirahan si Afshin sa Bukan County, West Azerbaijan Province, Iran. Nakakasalita siya ng Kurdish and Persian, gamit ang Farsi dialect.
Nang ipanganak, ang kanyang body weight ay 700 grams o 1.5 pounds. Ngayon ay tumitimbang siya ng 6.5 kilos o 14.3 pounds.
Dahil sa kanyang sukat, hindi nakapag-aral si Afshin. Kamakailan ay natuto siyang isulat ang kanyang pangalan.

Ayon sa kanyang amang si Esmaeil Ghaderzadeh sa panayam ng Guinness World Records, “Continuing treatment and my son's physical weakness are the main reasons why he stopped studying.
“Otherwise he has no mental problems.”
Gayunpaman, mahusay si Afshin sa paggamit ng smartphone, kahit nahihirapan siyang hawakan ang gadget.
Aniya sa panayam pa rin ng Guinness World Records, “Phones, in general, are heavy to use for a long time, yet I still manage.”
Mahirap lang ang pamilya nina Afshin.
Ang kanyang ama ay isang construction worker.
May mga pagkakataon na kinakapos sila sa pang-araw-araw na gastusin, lalo pa at sumasailalim siya sa medication and treatment.
Dahil hindi puwedeng magtrabaho, inilalaan ni Afshin ang kanyang oras sa panonood ng cartoons at pag-check ng social media.

May kaibigan siya na tinulungan siyang magkaroon ng Instagram account: mohamadghaderzadeh__official.
Paborito niyang cartoons ang Tom & Jerry; of the two, mas gusto niya ang karakter ng pusa.
Mahilig din si Afshin na manood ng football at suportado niya ang Esteghlal Football Club ng Iran.
Ang paborito niyang football players ay ang kapwa Guinness World Records titleholders na sina Ali Daei ng Iran at Cristiano Ronaldo ng Portugal.
Dahil mabait, bibo at palakaibigan, popular si Afshin sa kanilang village. “Mohamad” ang tawag sa kanya ng lahat.
Bagaman at masaya sa kanyang kalagayan, sinabi ni Afshin na wish niyang maging tulad ng ibang tao. Pangarap sana niyang magkaroon ng sariling kotse at makapagmaneho.
Hindi siya nakakapaglibot mag-isa sa kanilang village at kailangan siyang samahan either ng kanyang ama o ina.
Kahit kaya niyang lumakad mag-isa, may pagkakataong gusto niyang kinakarga siya.
Hirap din siyang makahanap ng isusuot na damit.
Ayaw niya ng mga pambata dahil hindi na aniya bagay sa kanya ang mga disenyo dahil 20 years old na siya.
Madalas na ang suot niya ay custom-made suit.

Dahil hindi siya puwede sa anumang sports, mahilig sumayaw si Afshin.
Gustung-gusto niyang umiindak kapag nakakarinig ng Iranian Kurdish music.
Pahayag niya sa pagkakabilang sa GWR, “Just thinking about being part of the Guinness World Records family is like a dream.
“I struggle to believe it sometimes. It is like you wake up the next day and the entire world now knows who you are. That’s magical.”
Dagdag pa niya, “I like the attention I get from people. It makes me feel special.”
Kahit maliit lang siya, malaki ang plano niya para sa hinaharap.
“My dream is to be able to help my parents. This global recognition might help me achieve my dream.”