PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Board passer, inutusan ng nanay na gawin ang sariling tarpaulin

Muntik na niyang ilagay sa tarp, "I'm so proud of me."
by Bernie V. Franco
Published Dec 26, 2022
Ma. Isabel Lim tarpaulin
Ma. Isabel Lim, inutusan ng kanyang nanay na gawin ang sariling tarp kahit di pa lumalabas ang resulta. “At first ayoko pa po pumayag dahil sobrang anxious ko po sa paghihintay ng results."
PHOTO/S: Maria Isabel Lim

Viral si Ma. Isabel Lim dahil sa kanyang nakakatawang TikTok video.

Si Isabel, 22, ay isa sa mga nakapasa sa Philippine Nurse Licensure Examination na lumabas noong November 30, 2022.

Pero ang kinaaliwan ng netizens ay si Isabel na mismo ang gumawa ng sariling congratulatory tarpaulin.

Napag-utusan kasi siya ng nanay.

“Yung ikaw nakapasa ng Boards pero ikaw din pinagawa ng tarp mo [laughing with tears emoji],” published-as-is post ni Isabel sa kanyang TikTok video, na ipinapakitang nilalapatan ng pictures, text, at design ang ginagawang tarp via computer app.

THE FUNNY STORY BEHIND THE TARP

“After our board exam halos araw-araw na po ako kinukulit ng mama ko na magpapagawa na siya ng tarpaulin kahit wala pang results,” kuwento ni Isabel sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Ang dalaga ay nagtapos mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology sa Cabanatuan.

“Ako po inutusan niyang mag-lay out ng design since marunong naman daw akong mag-edit at para makatipid na rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una ay labag pa sa kalooban ni Isabel, lalo’t hindi pa niya alam kung nakapasa siya sa exam.

“At first ayoko pa po pumayag dahil sobrang anxious ko po sa paghihintay ng results.

“But in the end pumayag na din po ako kase I can see my mom's excitement, and editing that picture also helps me to relieve my anxiety sa paghihintay ng results ng board exam.”

At hindi naman nasayang ang pagod ni Isabel dahil paglabas ng resulta, pasok ang kanyang pangalan sa board passers.

May biro pa nga si Isabel habang nilalagay niya ang mga linyang, “We are so proud of you,” sa sarili niyang tarp.

“Yung sa ‘We are so proud of you’ po muntik ko na pong ilagay na, ‘I'm so proud me,” HAHAHAHA.

“Pero seriously po, I'm happy that I edit my own layout for my tarpaulin, and I'm so grateful for having a supportive mom like her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS SHARE THE SAME EXPERIENCE

Pero hindi pala isolated case ang sitwasyon ni Isabel dahil maraming netizens ang nagkuwento ng parehong karanasan.

May isang netizen na siya mismo ang inutusang bumili ng kanyang sariling cake para sa birthday.

May dalagang siya ang gumawa ng sariling birthday video at ang boyfriend niya ang nag-post.

Sabi ng isa pa, noong birthday niya, siya ang gumastos, bumili ng sariling cake, at naghugas ng mga pinagkainan.

viral tarpaulin

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

viral tarpaulin

viral tarpaulin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ma. Isabel Lim, inutusan ng kanyang nanay na gawin ang sariling tarp kahit di pa lumalabas ang resulta. “At first ayoko pa po pumayag dahil sobrang anxious ko po sa paghihintay ng results."
PHOTO/S: Maria Isabel Lim
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results