Isang babae na working from home sa Canada ang nasibak sa trabaho dahil natuklasan ng kanyang kumpanya na nagsasayang lang siya ng oras habang online.
Ang insidente ay iniulat ng English news channel sa India na Times Now noong January 16, 2023.
Nakilala ang babaeng empleyada na si Karlee Besse bilang accountant sa Reach CPA, isang accounting firm na nakabase sa British Columbia company, .
Bukod sa pagkakasibak sa kanya sa trabaho, kelangan din ni Karlee na magbayad ng US$2,000 o PHP109540.00 sa kumpanya dahil sa mga nasayang niyang oras “while working remotely.”
Paano nalaman ng kumpanya na hindi naman ginagampanan ni Karlee ang mga duties and responsibilities nito ss work-from-home set-up?
Gumamit ang kumpanya ng software na tinatawag na TimeCamp habang officially ay naka-time in sa trabaho si Karlee sa work from home set-up.
Paano naman ito nagagawa ng TimeCamp?
Basically, tina-track ng TimeCamp software ang activities ng employee “when working remotely.”
Naka-install ang software sa laptop na ginagamit ng empleyada.
Na-track ng software na laging walang activity si Karlee sa oras ng trabaho.
Dahil dito, agad siyang sinibak.
DIFFERENCE BETWEEN WORK AND PERSONAL TIME
Inireklamo ni Karlee ang kanyang employer sa Civil Resolution Tribunal.
Ang claim ni Karlee, tinanggal siya sa trabaho nang walang notice.
Nag-demand din siya na bayaran siya ng US$2,759 o PHP204,040.49 bilang kabayaran sa kanyang unpaid wages at pagkakatanggal sa trabaho.
Pero iniharap ng kanyang employer ang record sa TimeCamp, at kinuwestiyon ang attitude niya sa pagtatrabaho nang remote.
Ayon sa kumpanya ay minanipula ni Karlee ang kanyang working hours.
Nagtala umano ang empleyada ng mahigit 50 hours of working time, pero hindi naman ginamit ni Karlee ang lahat ng dami ng oras sa kanyang pagtatrabaho.
Pero depensa niya, hindi naa-identify ng TimeCamp ng tama ang difference sa pagitan ng kanyang work and personal time.
EBIDENSYA ANG “ELECTRONIC PATHWAY”
Pinanindigan ng Reach CPA ang efficiency ng software.
Nagsumite ito ng video sa korte at ipinakitang naitatala ng TimeCamp kung kailan at gaano katagal nag-access ang empleyada ng work-related documents.
Batay rin sa electronic pathway, naitatala kapag ang empleyada ay nanonood ng movie sa isang streaming service.
Pinatunayan din ng kumpanya na may final distinction sa pagitan ng work and non-work activities.
Nata-track kasi ng TimeCamp ang printing activity, at natuklasan na walang ebidensya na nag-print si Karlee ng mga dokumento na ginagamit niya sa trabaho bilang accountant.
Pinaboran ng judge ang kumpanya.
Inatasan din nito si Karlee na bayaran ang hinihinging danyos ng kanyang ex-employer.
PROS AND CONS
Ano ang inilalarawan ng naging sitwasyon ni Karlee?
Maraming kumpanya sa buong mundo ang gumagamit ng technology para ma-monitor ang mga staff na working from home.
Para sa mga employer, ang TimeCamp at iba pang software ay “tool” para matiyak na ang mga empleyado ay hindi hayahay lang sa pagtatrabaho, at para mag-improve ang efficiency ng mga ito.
Pero para sa mga empleyado at privacy advocates, ang ganitong uri ng tracking ay “very intrusive.”
Posible rin anilang maging daan ito para i-normalize ang workplace surveillance, kahit sa opisina na nagtatrabaho ang mga empleyado.