Isang gecko, biyahero ang peg?
Nagmistulang jetsetter ito dahil hindi sinasadyang nasama sa isang kahon ng strawberries.
Ayon sa report ni Zoe Sottile ng CNN, ang strawberries—kasama ang gecko—ay galing sa bansang Egypt at in-export sa Manchester, England.
Dito sa Pilipinas, ang gecko ay tinatawag na tuko, na mukhang malaking butiki pero madikit ito kung kumapit.
Karaniwan itong nakikita sa mga mapunong lugar at maging sa madidilim na sulok ng bahay.
Hindi gaya ng butiki na tahimk, nag-iingay ito at humihiyaw ng "Tuk-ko."
DISCOVERED IN ENGLAND
Nadiskubre na lamang ng nurse na si Nikata Moran, 29, ang bumiyaheng tuko noong bumili siya ng isang kahon ng strawberries sa Lidl Supermarket, Manchester, England noong Enero 18, 2023.
Ito ay ayon sa balitang ni-release mula sa Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals (RSPCA), isang British animal welfare organization.
Habang isa-isang inilalabas ang mga ipinamiling grocery items, napansin ni Nikata na may “little head” na biglang bumulaga.
Ani Nikata, “I got the strawberries out of the fridge and saw something move out of the corner of my eye, and thought it was a spider or something.”
Dagdag niya, “When I looked again, I saw this tiny gecko. I couldn’t believe it.
"It seemed very alert so I managed to get it onto a spoon and pop it into a plastic container where it moved very, very fast.”
TUKO FROM EGYPT
Nawalan ng kapirasong buntot ang maliit na Egyptian gecko, pero hindi naman ito injured.
Ayon sa RSPCA, walang dapat ipag-alala dahil muli itong tutubo.
Sabi pa ng nurse, “Apart from the piece of tail which I found in the punnet, it seemed uninjured. I just can’t get over the journey it had, ending up in my kitchen.”
May haba ng 2.5 centimeters ang gecko o minuscule reptile kung tawagin, ayon sa RSPCA.
Nagulat man sa natuklasan, maingat pa ring nilipat ni Nikata ang maliit na bisita mula sa plastic bag papuntang container para hindi na ito kumawala.
Matapos ay tumawag na siya sa RSPCA para sa kaukulang tulong.
ANIMAL WELFARE AND RESCUE
Maliit man o malaking animal species, pag nalagay sa alanganing sitwasyon ay kailangang ipa-rescue.
Sa kasong ito ng gecko, kinailangan isuko ito ni Nikata sa isang animal welfare and rescue organization para maibalik sa natural habitat nito.
Tinawagan ni Nikata ang RSPCA, na nagpadala agad ng inspector para sa i-pick up ang gecko.
Sinabi ni RSPCA inspector Rachel Henderson na maging siya ay nagulat noong makita kung gaano kaliit ang gecko.
“This little one was absolutely minute, and I have no idea how something so tiny survived for such a long time in transit in a sealed-up container.
"And we’d like to thank Nikata and the other organizations who helped us with this little lizard."
not the first stowaway gecko
Matapos mai-surrender, unang dinala ang gecko sa Ashleigh Veterinary Centre.
Kilala ang clinic na ito sa pag-aalaga ng exotic animals.
Sumunod ay sa Reptilla Exotic Animal Rescue, na nasa Ossett, West Yorkshire.
Sabi ng isang representative ng animal rescue, marami na rin silang na-encounter na stowaway geckos.
“Accidentally-imported geckos are very much commonly seen in the majority of reptile rescues up and down the country.”
Dagdag pa ng kinatawan ng Reptilla, “We have a few of them at the moment that have come from various continents.
“They seem to adapt very well to captivity and are seen to thrive in bioactive settings.
“This little one has settled in well and will be ready to be rehomed once he has passed his quarantine period.”
CARING FOR REPTILES
Sa totoo lang, kahanga-hanga ang pagpapakita ng malasakit ni Nikata sa maliit na gecko.
Kung tutuusin puwedeng pakawalan lang niya ito, pero tinawagan niya ang mga ahensiyang dapat tumugon sa ganitong sitwasyon.
Bihira mang ginagawang house pets ang reptiles, hindi gaya ng aso at pusa, dapat pa rin silang bigyan ng kaukulang pansin at ibalik kung saan sila nararapat, gaano man kalaki o kaliit.