Triple ang magiging saya ng mga government employees na single sa General Luna, Quezon sa darating na Valentine’s Day.
Ito ay dahil triple pay ang matatanggap sa pagtatrabaho nila sa Araw ng mga Puso, February 14.
Ang qualified sa triple pay ay ang mga local-government-unit employees na single since birth at single for five years.
Read:
- Babae kidney donor ng boyfriend; pinagtaksilan siya 7 months after transplant
- Happy ending for once-comatose Viktoria Cupay and her Prince Charming Nick Baldo
Ito ang pledge ni General Luna Mayor Matt Florido na ipinost niya sa Facebook page nitong February 6, 2023.
Saad ng mayor: “Ngayong araw, kanina sa flag ceremony ay pormal nating inanunsiyo na ngayong darating na Araw ng mga Puso ay TRIPLE PAY ang lahat ng mga empleyado na single since birth at mga walang jowa for 5 years.”
Pero hindi rin luhaan ang mga empleyadong single na hindi pasok sa "five years" na criteria.
Post ng alkalde, “Samantala, ang mga single naman ay maaaring makapamili kung DOUBLE PAY (kapag sila ay pumasok sa February 14) or LEAVE WITH PAY sa February 13 (Monday) ang kanilang i-avail para mag-enjoy sila sa long weekend.”
Ani Mayor Florido: “Ang benepisyo ay personal kong i-shoulder at hindi kukunin sa pondo ng lokal na pamahalaan.”
Reminder niya, “Sa mga kwalipikado, maaaring i-sumite sa Mayor's Office o sa HRMO ang inyong aplikasyon para sa nasabing benepisyo.
“Mayroong special committee na magvalidate. MAHALAGA ANG KATAPATAN.”
Sa paraang ito, hindi lang ang mga may jowa at asawa ang masaya. May benepisyo ang “single blessedness.”
