Isang 12-year-old white-handed gibbon, nanganak kahit walang male companion sa kanyang kulungan?
Siya si Momo., na nanganak noong February 10, 2021.
Shock na shock noon ang mga nag-aalaga sa kanya sa Kujukushima Zoo and Botanical Garden sa Nagasaki, Japan dahil hindi nila mawari kung paano siya nabuntis.
Makalipas ang dalawang taon, natuklasan ng Japanese zookepers ang “misteryo” sa pagbubuntis ni Momo.

Sa pamamagitan ng DNA testing sa kanyang baby, natukoy kung sino ang ama nito—si It?, isang 34-year-old agile gibbon, na pansamantalang inalagaan sa adjacent enclosure ni Momo sa panahon na nagbuntis siya.
Nagkaroon din ang Japanese zookeepers ng idea kung paano nakipag-mate si Momo kay It?.
Read also: Paano maitataboy ang pasaway na pusa sa bakuran?
Sinabi ng pamunuan ng zoo sa CNN noong February 10, 2023 na posibleng nakapag-mate sila sa pamamagitan ng maliliit na butas ng steel plate na nasa pagitan ng kanilang mga kulungan.
Ang mga butas ay may sukat na 9 millimeters (0.3 inch) ang diameter.
Bagaman at hindi nagkasama sina Momo at It? sa iisang cage, magkalapit sila sa exhibition area ng zoo.
Ang naghihiwalay lang sa kanilang dalawa ay ang partition na may mga butas.
Wala pang pangalan ang baby nina Momo at It?.
Tumitimbang ito nang halos dalawang kilo (4.4 pounds).
Ayon sa pamunuan ng zoo ay malusog ang baby, at todo ang atensiyon ni Momo sa pag-aalaga rito.

Natagalan naman silang maisagawa ang proseso para matukoy ang ama ng baby gibbon at inabot pa ng dalawang taon dahil hindi sila makalapit kay Momo.
Masyado umano itong protective sa anak.
Read also: Rare "asong gubat" o "witch dog," kikilalaning pure-breed asong Pinoy ang orig
Ayon kay Hideki Hisano, ang deputy director ng zoo, isang “precious life” na iniluwal sa mundo ang baby ni Momo.
Patuloy umano nilang aalagaang mabuti ang baby gibbon.
Umaasa rin ang zoo deputy director na magkakaroon ito ng malusog at mahabang buhay.
Ang mga gibbons ay kabilang sa smallest apes.
Mayroon silang loud singing voice—na itinuturing na kanilang “elaborate language.”

Kaya ng gibbon na magpalipat-lipat sa isang sanga ng puno patungo sa isa sanga sa bilis na 35 miles per hours.
Read also: Kuting na inampon ng nakapulot, kakaiba pala!
May mahigit 12 gibbon species na native sa mga bahagi ng Asia, mula sa northeastern India hanggang China patungo sa Borneo archipelago.
Lumiliit na rin ang populasyon ng agile gibbons sa wild, at kabilang na sila sa listahan ng endangered species ng International Union for Conservation of Nature.
Nawawala na kasi ang kanilang natural habitat dahil sa patuloy na illegal logging, pagmimina, at paggagawa ng mga daan.
