Nang matuklasan noong 1922 ang tomb ni Tutankhamun o King Tut ng Egypt, namangha ang archaeologist na si Howard Carter sa dami ng “pabaon” na kasama ng kanyang bangkay.
Mahigit 5,000 artifacts ang pabaon—para gamitin ng batang hari sa kabilang buhay.
Pero sa hanay ng mga ginto, pilak, ebony, ivory , mamahaling mga alahas, sandata, kasangkapan, magagandang tela at pabango, isang bagay ang nakatawag-pansin ng mga experts—ang condom ni King Tut—at itinuring marahil ito ng mga naglagay na importante sa hari na baunin sa buhay na walang hanggan.

Read also: Hebrew Bible na higit 1,000 years old, inaasahang mabebenta ng PHP2.7 bilyon
Si Tutankhamun (1341 BC – c. 1323 BC) ang pharaoh ng Eighteenth Dynasty ng ancient Egypt.
Naluklok siya sa trono noong nine years old siya, at pinamunuan ang Egypt hanggang sa kanyang kamatayan sa edad na 19.
Ang kanyang tomb, na nilagyan ng mga archaelogist ng markang KV62, ang tanging himlayan ng mga Pharaoh na nasa near-intact condition.
Ang KV ay nangangahulugan ng Valley of the Kings, at ang 62 ay dahil ito ang ika-62 tomb na natagpuan.
Ang pagkakatuklas sa kanyang tomb ang itinuturing na greatest archaeological discoveries of all time.
Ang condom ni Tutankhamun ay nagtataglay ng traces ng kanyang DNA.

Para itong casing o scabbarb (kaluban sa Tagalog) na yari sa fine linen.
Ibinabad ang condom sa olive oil, at naka-attach sa string na posibleng itinatali niya sa kanyang baywang kapag nakikipagtalik.
Tinatayang ginawa ang condom noong 1350 BC, ito ang itinuturing na “oldest known condom in existence.”
Kung ginamit ni Tutankhamun ang condom para hindi siya makabuntis—sa halip na sa mga ritwal o para makaiwas mahawa sa sakit—posibleng hindi ito epektibo.
May natuklasan ding remains ng dalawang fetus sa kanyang tomb.
Batay sa genetic testing, si King Tut ang ama ng mga ito.
Read also: Jose Rizal, may topless “selfie” noong kanyang kabataan
Ang ancient Egyptians ay may iba pang paraan para hindi magbuntis ang babae sa pagtatalik.
Ang Kahun Medical Papyrus (kilala rin bilang Gynaecological Papyrus), at tinatayang ginamit noong 1825 BC, ang inirekomenda.
Gamit ang dumi ng buwaya at iba pang sangkap bilang contraceptive, ang mixture ay hinuhulma para magkasya sa sex organ ng babae.
Ayon sa isang hypothesis, ang dumi ng buwaya ay alkaline, at nagsisilbing spermicide.
Ang mga Egyptians ang posibleng unang sibilisasyon na gumamit ng condoms.
Sumunod dito ang iba pa.
Sa ancient Rome, ang condoms ay yari sa tela o bituka ng hayop.


Pinauso ng ancient Chinese ang condoms na yari sa silk paper na ibinabad sa oil.
Sa Japan, gumamit ang kalalakihan ng tortoise shell o kaya ay sungay ng hayop para takpan ang ulo lang ng kanilang sex organ.
Ang sinaunang tribung Djukas ng New Guinea ay may female condom na yari mula sa isang uri ng halaman.
Ang mga Muslims and Jews noong Middle Ages ay tinatakpan ang kanilang sex organ ng aspalto, o kaya ay pinapahiran ng onion juice.
Read also: Sister André, “world’s oldest known person,” pumanaw na
Nang ang pinakaunang dokumentadong outbreak ng sexually transmitted disease na syphilis ay maganap noong 15th century sa hanay ng French troops, ang pangangailangan para sa proteksiyon laban sa naturang sakit ay lalong naging essential.
Dahil dito, naging popular ang paggamit ng linen sheaths na ibinabad sa chemical solution.
Bukod sa linen, ang ibang condoms sa panahon ng Renaissance ay yari mula sa bituka o pantog ng hayop.
Pagsapit ng early 19th century, ini-introduce na ang condoms na yari sa goma o rubber.
Noong 1850, ilang rubber companies ang nagsimulang mag-mass produce ng condoms.
Ngayon, hindi lang basta safe ang paggamit ng condoms maliban kung sadyang bubutasin—may iba’t ibang design, thickness, at flavors pa.