PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keso Eater, PHP50K Salary

Para ito sa research tungkol sa epekto ng cheese sa sleeping pattern
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Feb 17, 2023
Cheese
Ang kailangan lamang gawin ay kumain ng iba-ibang uri ng keso bago matulog at i-monitor ang sleep quality sa loob ng tatlong buwan.
PHOTO/S: Andra C. Taylor Jr. via Unsplash

Sino ang tatanggi sa malaking kita kung ang kapalit lamang ay magpapakasawa sa iba-ibang klase ng keso?

May ganyang offer ang isang website sa USA, maaaring kumita ng hanggang $1,000 o mahigit PHP50,000 ang isang cheese lover.

Ang kailangan lamang gawin ay kumain ng iba-ibang uri ng keso bago matulog at i-monitor ang kanilang sleep quality sa loob ng tatlong buwan.

Ang trabahong ito ay inaalok ng Sleep Junkie, isang mattress resource website na nagbibigay ng in-depth sleep guides sa mga customers nito.

QUALIFICATIONS AND JOB SCOPE

Ayon sa website ng kumpanya, pag-aaralan nito ang European sleep theories na nagsasabing ang pagkain ng keso bago matulog ay nagdudulot ng bangungot.

Gagamitin ang data na makakalap sa “dairy dreamers” para sa malaman kung totoo bang iba-iba ang epekto ng iba’t ibang klase ng keso sa sleep quality at energy levels ng isang tao.

Ang trabaho ay bukas para sa mga may edad 21 years old pataas at may smart watch o fitness tracker na siyang gagamitin sa pag-monitor ng sleep.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Importante din ang pagkakaroon ng regular sleep schedule at hindi nakararanas ng anumang sleep issues.

Ang limang mapipiling daily dreamers ay kailangang matulog nang walang katabi sa kabuuan ng study at kumain ng cheese.

Masusi din ang pagsiguro ng screening committee na ang pipiliing mga kandidato para sa trabaho ay walang dairy at lactose intolerance o yung problema ng isang tao sa pag-digest ng mga produktong dairy o gatas na karaniwang sangkap ng mga keso.

cheese

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kada linggo ay magbibigay ng schedule ng iba’t ibang klase ng cheeses na kakainin bago matulog.

Karagdagan pang requirement ang pagiging “self-starters, honest, with good writing skills, and enjoy both sleeping and eating.”

KAKAIBANG JOB OFFERS

Ilang beses nang gumawa ng ingay ang Sleep Junkie dahil sa kakaiba nitong job offers.

Kailan lamang ay naghahanap ito ng mga self-confessed insomniacs na babayaran ng $2,000 (o mahigit PhP100,000) para subukan kung epektibo o hindi ang iba-ibang sleeping apps, eye masks, at iba pang produkto.

Noong 2021, nag-alok sila ng suweldong $3,000 (o mahigit PHP150,000) para subukan ang iba- ibang pillows at mattresses.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kailangan lamang gawin ay kumain ng iba-ibang uri ng keso bago matulog at i-monitor ang sleep quality sa loob ng tatlong buwan.
PHOTO/S: Andra C. Taylor Jr. via Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results