PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tatay with 102 kids, 578 grandkids struggles to recall names

Ang edad ng kanyang mga anak ay mula 10 anyos hanggang 50 anyos
Published Feb 19, 2023
Musa Hasahya Kasera
Matapos magkaroon ng 102 anak at 578 apo, nagdesisyon si Musa Hasahya Kasera (encircled) ng Uganda na mag-family planning na.
PHOTO/S: YouTube (BBC News Swahili)

Awat na si Tatay.

Nagdesisyon ang isang tatay na itigil na ang pagpapalaki ng kanyang angkan matapos niyang magkaroon ng 102 anak at 578 na apo, ulat ng Agence France-Press (AFP).

Aminado kasi si Musa Hasahya Kasera, taga-Uganda, na hindi na niya alam ang pangalan ng kanyang higit isandaang anak at higit sa limandaang apo.

Aniya: “The challenge is I can only remember the name of my first and the last born but some of the children, I can't recall their names.’

"It's the mothers who help me to identify them."

Gayunpaman, kilala niya ang mga ito sa mukha at itinatala sa notebook ang pangalan at impormasyon ng mga anak at mga apo.

Si Musa, 68, ay mayroon ding 12 asawa na nakakalimutan na rin ang mga pangalan.

Ang lahat ng kanyang mga asawa ay nakatira sa iisang bubong.

Ang kanyang mga anak ay nagtayo ng mga kubo sa paligid ng kanilang lupa na gawa sa dayami at putik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ramdam na ni Musa ang bigat ng responsibilidad sa pagtustos ng kanyang malaking pamilya.

Maging ang kanyang mga asawa, nagbi-birth control na rin para maiwasang mabuntis.

Ang pinakabata niyang asawa ay 35 years old, samantalang ang kanyang mga anak ay edad 10 anyos hanggang 50 anyos.

Pag-amin ni Musa sa British media na The Mirror, "With my health failing and merely two acres of land for such a huge family, two of my wives left because I could not afford the basics like food, education, clothing.”

Isang YouTube channel ang nagtampok sa pamilya ni Musa na binansagang "world's biggest family."

Musa Hasahya Kasera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Musa Hasahya Kasera at ang natitirang sampung asawa.

Umasenso noon si Musa at nagkaroon ng cattle and butcher business.

Ito ang dahilan kaya’t nadagdagan nang nagdagdagan ang kanyang mga asawa.

Kapag kasi may nagustuhan siyang babae, pumapayag agad ang pamilya ng babae dahil may maibibigay na dowry si Musa.

Pero dahil tumatanda na siya at sa dami ng kanyang mga anak at apo, nakapag-isip na siyang mag-family planning.

WHY MUSA ASPIRED TO HAVE A HUGE FAMILY

Ikinasal si Musa sa kanyang unang asawa noong sila ay parehong 17 anyos lamang.

Nagsagawa sila ng isang traditional wedding noong 1972 at isinilang ang kanilang unang anak noong 1973.

Hinangad ni Musa na magkaroon ng malaking pamilya sa payo na rin ng kanyang nag-iisang kapatid at mga kamag-anak.

Sabi niya: "Because we were born only two of us, I was advised by my brother, relatives and friends to marry many wives to produce many children to expand our family heritage."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At sa dami ng kanyang mga anak at nakilala bilang cattle trader sa kanilang lugar.

Madalas siyang bisitahin ng mga pamilyang hinahanapan ng mapapangasawa ang kanilang mga anak na babae, na ang iba ay below 18 years old.

Lumalapit ang mga magulang para sa mga anak na lalaki ni Musa.

Nakilala na si Musa dahil sa kanyang reputasyon, kaya naging tourist attraction ang kanilang Bugisa village na nasa Butaleja district ng Uganda.

Nais ng mga turista na makilala ang malaking pamilya ni Musa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos magkaroon ng 102 anak at 578 apo, nagdesisyon si Musa Hasahya Kasera (encircled) ng Uganda na mag-family planning na.
PHOTO/S: YouTube (BBC News Swahili)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results