Mistulang triple treat ang mga supling ng isang ginang mula sa Sta. Cruz, Laguna.
Pare-pareho kasi ang kaarawan ng tatlong chikiting, at pare-pareho ring three years ang kanilang age gap.
Ayon sa post ng ina na si Pamn Faye Hazel Cabañero nitong February 17, 2023, “Every 3 years dumadating sila at saktong January 27 pa ipinapanganak!
"Yung matres ko ayun lang yata ang kilalang date eh...”
Malaki naman ang pasasalamat ni Pamn sa aniya ay “kakaibang pagkakataon” na inilarawan niyang “hindi ko inasahan pero ipinagkaloob.”
Kalakip ng post niya ay ang magkakatabing birth certificates ng kanyang tatlong supling.
Hirit naman ng ama na si Herbert Hernandez Cabañero, “walang daya” ito dahil normal delivery ang pagsilang sa mga anak niya. Kapag Caesarean Section kasi, puwedeng i-schedule ang date.
Post niya (published as is): “Napaka bihirang mangyari na sa bawat 3 taon nanganganak ang asawa ko s magkakaparehong date at take note normal delivery po iyan lahat kaya walang daya..hehehe..”
Ang kaarawan ng mga bata ay January 27. Isinilang ang panganay noong 2017, ang pangalawa ay noong 2020, at ang pangatlo ay ngayong 2023.
Walang pagsidlan ng tuwa si Herbert nang isilang ang kanilang ikatlong anak nito lamang January 27, 2023.
Post niya sa Facebook para sa kanilang pangatlong baby (published as is): “Tripleng saya ang hatid mo sa amin sapagkat sa araw na ito January 27, 2023 ay ikaw ang pangatlong anak namin na isinilang sa kaparehong petsa January 27 din tlgang isang malaking himala ang pagsilang mo…”
Lalaki ang panganay at parehong babae ang sumunod.
Read:
- Twins na isinilang 15 minutes apart, magkaiba ang year of birth
- Twins born six minutes apart in different years
NETIZENS COMMENT ABOUT THE TRIPLE BIRTHDAY celebration
Samantala, karamihan naman sa mga komento ay iisa ang sinasabi: na makatitipid ang mga magulang ng bata dahil isahang handaan na lang.
Hirit naman ng isang netizen: “Yan talaga ang family planning.”



