PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ancient Chinese Flush Toilet Discovered

Exclusive sa ruling elite ng ancient China
by KC Cordero
Published Feb 24, 2023
Photo of ancient flush toilet
Sa panahon ng ancient China ay maituturing na masyadong advanced ang paggamit ng flush toilet, at para lang ito sa mga privileged o ruling elite.

Nahukay ng mga archeologists sa China ang natitirang bahagi ng maituturing na pinakamatandang flush toilet sa buong mundo.

Ang pira-pirasong parte ng 2,400-year-old lavatory, gayundin ng bent flush pipe, ay nahukay ng isang research team mula June hanggang August 2022 sa China.

Kabilang ang lumang flush toilet sa mga nakuha sa gumuhong lumang palasyo sa Yueyang archaeological sites na nasa central city ng Xi'an.

Photo of ancient flush toilet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagkakadiskubre rito ay iniulat ng Chinese state media noong isang linggo.

Dahil sa lumang flush toilet ay nagkaroon ng malawakang interes sa China kung paano namuhay sa unang panahon ang ancient ruling elite—na maituturing na privileged and advanced.

READ ALSO: “Oldest known condom in existence” nahukay sa tomb ng hari ng Egypt

LUXURY OBJECT PARA SA MATATAAS NA OPISYAL NG ANCIENT CHINA

Tinawag ng mga researchers na “luxury object” ang lumang flush toilet.

Sa panayam ng China Daily, sinabi ni Liu Rui, researcher ng Institute of Archeology sa Chinese Academy of Social Sciences, at kabilang din sa excavation team, na posibleng naka-reserve ang flush toilet para gamitin lang ng matataas na opisyal noong panahon ng Warring States Period (475-221 BC) at ng Han Dynasty (206 BC-AD 220).

Posible rin aniyang nilalagyan ng mga servants ng tubig ang toilet bowl pagkakatapos na magamit ito.

Ayon kay Liu, ang flush toilet ay isang matibay na patunay na mahalaga para sa mga sinaunang Chinese ang sanitation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinagdag din niya na may ilang naitala na indoor toilets sa China noong unang panahon.

READ ALSO: Hebrew Bible na higit 1,000 years old, inaasahang mabebenta ng PHP2.7 bilyon

PROBLEMA SA TOILET, BIG DEAL SA CHINA

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng malinis na flush toilets ay nananatiling isyu sa maraming lugar ngayon sa China.

Sa pagsisimula ng panunungkulan ni Chinese President Xi Jinping, nangako itong pagagandahin at isasaayos ang mga restrooms sa buong bansa bilang bahagi ng pagsisikap na mapaganda ang rural hygiene.

Ayon sa article na lumabas sa pahayagang People's Daily na pag-aari ng pamahalaan ng China noong 2018, sinabi ni Xi na hindi dapat isantabi ang problemang ito dahil mahalagang aspeto ito sa pagbuo ng mga sibilisadong lungsod at kanayunan.

Sinabi rin niyang dapat isulong ang pagkakaroon ng mga modernong palikuran maging sa mga liblib na lugar.

THROWBACK SA IBA PANG SINAUNANG TOILET

Bago nahukay ang pinakahuling discovery sa China, ang nakatala na nakaimbento ng unang flush toilet ay si Sir John Harrington, inaanak ni Queen Elizabeth I ng England.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong 1592, gumawa si Harrington ng water closet na may nakaangat na container at maliit na tubong daluyan.

Diagram of John Harrington flush toilet

Dito dumadaan ang tubig para mai-flush ang dumi.

Ang invention ni Harrington ay hindi kinilala sa loob ng 200 taon dahil hindi niya naresolba kung paano mawawala ang amoy ng dumi kahit nai-flush na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 1775, na-develop ng Scottish watchmaker na si Alexander Cummings ang S-shaped pipe na inilalagay sa ilalim ng toilet basin para hindi sumingaw ang amoy ng na-flush na dumi.

Diagram of Alexander Cummings flush toilet

READ ALSO: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M

FLUSH TOILET NA NAHUKAY, PINAG-AARALANG MABUTI

Ang mga guho sa Yueyang, ang dating kapitolyo ng Qin State at naging pinakaunang kapitolyo naman ng Han Dynasty, ay nadiskubre noong 1980s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang patuloy na pananaliksik dito hanggang ngayon ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na maunawaan ang ancient Chinese dynasties, kabilang na kung paano namuhay noon ang mga tao at kung paano naitayo ang kanilang mga siyudad.

Pinag-aaralan na ngayon ng mga Chinese archaeologists ang samples ng mga lupa na nakuha sa lumang flush toilet.

Umaasa silang sa pamamagitan ng ginagawang proseso, matutukoy kung ano ang mga kinakain ng mga tao sa panahong iyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa panahon ng ancient China ay maituturing na masyadong advanced ang paggamit ng flush toilet, at para lang ito sa mga privileged o ruling elite.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results