PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

" Mister na dinala sa 'Chanel' "

Buhay pa kaya si Mister?
by KC Cordero
Published Feb 25, 2023
Photo of Chanel store and meat store
Todo-lagay pa ng makeup si Misis na sobrang excited na mag-shopping sa “Chanel” para lang matuklasan na biniro lang pala siya ng mister.

Sobrang na-excite ang isang ginang sa Taiwan dahil sinabihan siya ng kanyang mister may shopping trip sila sa isang Chanel store.

Kaya naman hindi magkandaugaga sa pagme-make-up ang ginang.

Sino ba namang babae ang hindi matataranta kung ang pupuntahan ay ang outlet ng sikat na French fashion brand?

Natagalan pa ang ginang sa pagpapaganda.

Pero gayun na lang ang pagkadismaya niya nang marating nila ng mister ang lugar.

“Chanel” nga ang pangalan ng store—pero tindahan pala ito ng karne ng gansa o goose.

Photo of meat store

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa news article na na-publish last February 23, 2023, ang prank sa excited na ginang ay ginawa ng mister nito noon pang December 2022.

Sa post ng mister sa Facebook account nito, ibinahagi nitong “nawala” ang misis nito sa loob ng dalawang araw matapos ang prank.

Una nang naibalita ng news online platform na HK01 ang tungkol dito last February 19.

READ ALSO: Sibuyas, ipinambayad ng tricycle driver sa nabanggang kotse

Inakala ng misis na sa totoong Xiangnai’er (ang translation ng Chanel sa Mandarin) siya dadalhin ng mister.

Kuwento pa ng mister ay inabot ng halos isang oras ang misis sa paglalagay ng make-up.

Photo of Chanel store

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang makarating na sila sa “Chanel” na puro karne ng gansa ang tinda, na-shock ang misis.

Hindi na rin ito nagsalita kahit katiting.

Hindi na rin nakipag-usap sa mister.

Ang saya-saya pa raw naman nito nang papunta pa lang sila sa “Chanel.”

READ ALSO: TRENDING: Boyfriend siningil ang girlfriend sa half ng presyo ng engagement ring

Biro ng netizens sa mister, tapos na ang maliligayang araw nito.

Tumakbo na raw ito hanggang may lupa.

Hindi ka na sisikatan ng araw, joke ng isa pa.

Isa naman ang nagsabing nakita ang misis nito na nagsa-shopping nang matalas na kutsilyo sa isang hardware store.

Payo ng isa, i-check na raw ng mister ang kanilang household registration at baka nagpa-file na ng divorce ang misis nito.

Pero mukhang okey na ang mag-asawa.

Kahit inis pa rin ang misis sa mister, nag-reply ito sa Facebook post ng huli.

Banta ni misis sa mister, humanda ito!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panibagong post ng mister, nagbiro ito na okey naman siya—at konti lang ang sugat.

Dagdag na joke pa nito, tumanggap na siya ng emergency treatment.

Pero sana ay huwag itong gagawin ng kalalakihan sa kanilang mga asawa.

Huwag magbibiro kung tungkol sa fashion at pagpapaganda—na weakness ng kababaihan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Todo-lagay pa ng makeup si Misis na sobrang excited na mag-shopping sa “Chanel” para lang matuklasan na biniro lang pala siya ng mister.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results