Ginawang kawanggawa o charity work ng isang lalaki ang tumulong na makabuo ng babies sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanyang sperm.
Sa katunayan, mayroon na siyang pitumpung (70) biological children—61 dito ay naisilang na at may siyam pang kasalukuyang ipinagbubuntis ng iba-ibang babae.
Si edad na 31, ganoon na karami ang mga anak ni Kyle Gordy, isang accountant sa Los Angeles, California sa U.S.
Nakapag-donate na siya ng sperm sa 150 pamilya sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Also read: Two front teeth ng bagong silang na sanggol, suwerte o malas?
Out and proud si Kyle sa pagsasabing isa siyang “sperm donor” sa mga babaeng nais makabuo ng anak via in-vitro fertilization.
Itinuturing ni Kyle na “charity work” ang pagiging donor dahil libre niyang idino-donate ang kanyang sperm sa nakalipas na sampung taon.
Ang hangad ni Kyle ay tulungan ang “single women and couples have children without having to go through a sperm bank and pay excessive fees,” ulat ng Daily Record website, isang British online site.
Sabi niya: "It's completely free. I just volunteer - charity work, I guess you could say. I don't have a number that I'd like to get to; just whoever needs help.”
“I’m like a sperm donor but I don’t donate out of bank,” lahad niya sa interview ni Ryan Seacrest noong May 2022.
“I help lesbians, singles to have a family without going to sperm bank, usually because the women prefer to know me instead of going to a bank. Sometimes they don’t really know what they’re getting.”
Sa kaso ni Kyle, malaya siyang nakikilala ng kanyang recipients at mga nagiging anak niya.

Ani Kyle sa Daily Record, sa palagay niya ay hindi tamang maningil kapalit ng pagiging sperm donor niya.
“I want the kids to grow up knowing I did this because I wanted to help and not for the money. It's a good feeling knowing I'm not doing it for the money.”
Sabi ni Kyle, ang mga lalaking donors sa sperm banks ay maaaring mabayaran ng $1,500 hanggang $2,500 (o PHP82,500 hanggang PHP137,000).
HOW KYLE STARTED TO BECOME A SPERM DONOR
Nagsimula ang pagiging sperm donor ni Kyle noong 2014. May lumapit sa kanyang lesbian couple na nais siyang maging donor at pumayag siya.
Nang mabuo ang bata, regular ang update ni Kyle sa pagbubuntis ng female recipient, hanggang sa maisilang ang sanggol.
Mula noon ay nagsimula nang lapitan ng clients si Kyle.
Pagsampa ng ikatlong taon, mas dumami na ang mga nagmi-message sa kanya at hinihiling sa kanyang maging sperm donor.
Nagtayo si Kyle ng sarili niyang website, ang bepregnantnow.com, kung saan puwede siyang makontak ng mga kliyente.
Nakakatanggap siya ng 50 messages sa isang buwan, pero dalawa hanggang tatlo lamang ang natutuloy.
Read also:
- Kambal, isinilang after 30 years ng pagiging frozen embryos
- Twins na isinilang 15 minutes apart, magkaiba ang year of birth
CRITICS OF KYLE'S BEING A SPERM DONOR
Subalit may mga pumupuna kay Kyle at ikinatuwirang may panganib na magkaroon ng incest kapag may nagkatuluyan siyang biological children na hindi magkakilala.
Sagot ni Kyle, may komunikasyon ang mga ina ng mga sanggol at magkakakilala sila.
Paliwanag ni Kyle sa isang video interview: “I have a little group chat with all the moms.
“For the most part, they have asked me if the other moms would like to join my little group chat, so they can talk, get to know each other more.
“Pretty much they just exchange pictures, we talk about how the children are doing.”
Pabor naman daw ito kay Kyle na nakikilala niya ang kanyang biological kids.
“I get to see the pictures and a lot of mothers want me to be involved in the child’s life. Of course, it is always up to them. I respect anyone’s decision.”
Ilan sa kanyang mga naging recipients ay mula sa France, Scotland, at England.
