Naawa si Jill Hicks sa isang adorable kitten na nakita niya sa tabi ng daan habang nagmamaneho sa isang busy road sa Tennessee, U.S.
Huminto siya para kunin ang kuting.
Ayon sa mga nakasaksi, hindi nagpakita ng pagtutol ang kuting nang damputin ni Jill.
Aniya sa panayam ng news website na www.wdef, noong una ay tumakbo nang bahagya ang kuting, pero hindi mabilis at hindi rin lumayo.

“I crouched down. I picked it up. I put it in the car with me. It climbed all over me."
Mula noon, inalagaan na niya ang kuting—na isa palang female.
Binigyan niya ito ng pangalan na Arwen.
Pagbabahagi ni Jill, tuwing umuuwi siya ng bahay sa gabi ay pinakakain niya si Arwen, pinapaliguan, at pinatutulog katabi niya sa kama.
READ ALSO: Meet Fuffy, ang cute dog na kayang umuwing mag-isa after grooming
Ngunit nagbago ang kanilang sitwasyon ng kuting nang minsang naikuwento niya sa mga kapitbahay ang tungkol kay Arwen.
Nang makita ito ng kanyang mga kapitbahay, may nagsabi sa kanya na hindi umano ito ordinaryong pusa.
Isa raw itong bobcat.
Gayun na lamang ang gulat ni Jill.

Nagbago ang kanyang plano para kay Arwen dahil posible itong maging mapanganib pag fully grown na.
Aniya, "I was like 'I probably better not do all of that.'"
Dinala niya si Arwen sa For Fox Sake Wildlife Rescue.
Ayon nasabing animal center, may mga paraan para malaman ang pagkakaiba ng ordinaryong kuting sa baby bobcats.
Paliwanag ni Juniper Russo, espesyalista sa animal rehabilitation, “Bobcat kittens always have spots in some form or another.
“Actual spotted markings are really rare in domestic cats and a bobcat kitten will sometimes, but not always have black tufts on the ears—which are also possible in domestic cats—but pretty rare.”
READ ALSO: Gibbon sa Japanese zoo, nagbuntis at nanganak kahit solo sa cage; sino ang ama?

Babala pa ni Juniper, nagiging agresibo at unpredictable ang mga bobcat habang nagiging mature ang mga ito.
“They can be about twice the size of a typical domestic cat."
Ang bobcat kapag malaki na ay tumitimbang ng siyam hanggang 18 kilos.
Kinakain nito ang mga hayop na mas maliit sa kanya.
READ ALSO: Rare "asong gubat" o "witch dog," kikilalaning pure-breed asong Pinoy ang orig
Ang mga babaeng bobcat na bagong panganak ay napakatapang kaya hindi dapat hawakan ang mga anak nito.
May mga estado sa United States na legal ang pag-aalaga ng bobcat, tulad sa Nevada, Alabama, North Carolina, Wisconsin, at South Carolina.
Ang captured bobcats, o domesticated bobcats, sa mga estadong ito ay itinuturing na suitable pets.
Sa ibang estado, kailangan ang special permit o iparehistro ang aalagaang bobcat.
Dahil hindi captured o domesticated bobcat ang parents ni Arwen, at bawal mag-alaga nito sa kanilang estado, kailangan pa ni Jill na kumuha ng Tennessee Wildlife Resources Agency permit para legal na maampon ito.
Pero ni-let go na lang niya ang ampon para hindi magkaroon ng issue sa kanyang mga kapitbahay.

Matapos naman ang assessment kay Arwen ng center, kapag kaya na nito ay agad rin itong ibabalik sa wild malapit kung saan ito napulot ni Jill.
At bagamat napagkamalan niyang ordinaryong kuting ang dating alaga, hindi nagsisisi si Jill na inampon ito at inalagaan kahit sa maikling panahon.
Aniya, “Had I known she was a bobcat, in that small and in that high trafficked area, I still would have done the same thing.”