PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Snake Massage in Kalibo: Health Benefits

Pang-relieve umano ng stress at pang-improve sa blood circulation.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Mar 8, 2023
snake massage
May ino-offer na snake massage sa Kalibo Ostrich Farm para sa mga malalakas ang loob na nais mag-avail ng serbisyong ito sa halagang PHP300 for 30 minutes. Bukod sa pantanggal ng stress, mabisa raw ito para magkaroon ng mas magandang blood circulation.
PHOTO/S: Facebook (Kalibo Ostrich Farm)

Kakasa ka bang magpamasahe sa sawa?

Pangunahing atraksiyon ngayon sa Kalibo, Aklan ang isang spa na nag-o-offer ng snake massage.

Ang offering na ito ay ideya ni Ramon Dio, may-ari ng Kalibo Ostrich Farm.

Read: Kilalanin: Ian Florentin, ang Cobra Prince ng San Pablo, Laguna

Para malaman muna ang epekto ng nasabing offering, mismong si Ramon at ang kanyang mga empleyado ang unang nag-try magpamasahe sa mga alaganBurmese python.

“Naramdaman namin na puwede rin palang magmasahe ng tao [ang mga sawa] kasi maganda sa katawan kaya sinubukan namin. At yun, nagtuluy-tuloy at marami ang pumupunta dahil gusto nila,” lahad ni Ramon sa Dapat Alam Mo!

Safe umano ang mga alagang sawa at wala rin itong kamandag.

Paano ginagawa ang snake spa?

Kuwento ni Ramon: “Nilalagay namin yung snake, nagsisimula sa dibdib, tapos hinahayaan naming lumakad sila kung saan sila pupunta... sa kamay mo papunta sa paa."

snake massage

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bayad ay PHP300 para sa masahe na tatagal ng 30 minuto, kung saan paulit-ulit na gagapang ang ahas sa katawan ng kliyente.

Hindi na raw kailangan ng oil o powder dahil sapat na ang bagong ligo at bagong punas na sawa.

TANGGAL STRESS, TANGGAL TAKOT DIN SA MGA AHAS

Bukod sa nakakawala ng stress ang malayang paggapang ng mga sawa sa katawan, nakakatanggal din umano ito ng takot sa mga ahas.

Isa si Gretchel Jismundo sa kanilang mga parokyanong paulit-ulit na bumabalik upang ma-experience ang benefits ng snake massage.

“Pakiramdam ko po habang minamasahe po ako, nakaka-relax po talaga,” pahayag niya.

“Kasi habang gumagapang po sila sa balat ko, sa katawan ko, talagang mararamdaman mo po yung lamig na kung saan ay parang ang ganda ng daloy ng dugo ko sa katawan. Kaya parang natatatanggal po talaga yung stress.

“Totoo nga nakaka-relax talaga ang snake.”

Sabi pa ni Ramon: “Marami ang nagsasabi na effective kasi bumabalik-balik sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa first-timers na bantulot at nag-aalala sa kanilang safety habang nagpapamasahe, mayroong handlers na aalalay sa inyo at magbabantay sa mga ahas.

May ilan ding safety precautions na ipinatutupad sa “snake spa” ni Ramon.

“Sinasabi namin sa mga guests na huwag silang maingay o huwag hihipan yung snake.

“Dagdag pa roon, para [sa] safety, hindi namin pinapayagan yung kumain ng chicken [habang nagpapamasahe].”

Mayroon ding mga nakaantabay na trained zookeepers na mabilisang makakapag-rescue kung may mangyaring aberya.

DOCTOR'S WARNING

Samantala, hindi pabor ang beterinaryong si Dr. Noel Manalo sa paggamit ng ahas sa pagmamasahe dahil likas umano ang panganib na hatid ng mga ito.

Ayon sa kanya, “Ang isang Burmese python ay may kakayahang bumali ng ating mga buto sa katawan at pahintuin ang ating paghinga.”

Pero hindi niya maitatangging mas masarap sa pakiramdam ang “diin” ng pagmamasahe ng sawa kaysa sa isang propesyunal na masahista.

“Ang kakayanan nilang magmasahe ay mas higit sa strength ng isang taong masahista. Mas mabigat ang pisil, mas masarap sa pakiramdam ng minamasahe,” ani Dr. Manalo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Posibleng safe daw ang mga ahas na inalagaan mula nung bata, pero nagbabala pa rin ang beterinaryo.

"Tatandaan po natin, sila pa din ay galing sa wild. Yung sinasabi nating killer instinct, puwedeng mangyari.”

SNAKE MASSAGE IS DONE IN OTHER COUNTRIES FOR ITS BENEFITS

Bukod sa mga taga-Kalibo, patok din ang snake massage sa iba’t ibang panig ng mundo.

Katunayan, base sa post ng africanews.en, isang spa sa Cairo, Egypt, ang gumagamit ng 29 non-venomous snakes sa pagbibigay ng relaxing therapy sa mga customers nito.

Ayon sa may-ari ng Chill Out spa na si Safwat Sedki, pinapahiran muna ng oil ang katawan ng kanilang customers bago sila magsimulang gumamit ng maliliit na ahas.

Medyo nakakakiliti lamang umano ang mga ito, kumpara sa susunod na ilalatag sa katawan na mas malalaki at mas mabibigat na python.

Sa report ng CBS news, sinasabing tunay na therapeutic at relaxing ang paglapat at paggapang ng mabigat at malikot na ahas sa katawan ng nagpapapamasahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang umano sa ilang benepisyo ng snake massage ang pag-relieve ng stress at pag-increase ng blood flow sa tight muscles.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May ino-offer na snake massage sa Kalibo Ostrich Farm para sa mga malalakas ang loob na nais mag-avail ng serbisyong ito sa halagang PHP300 for 30 minutes. Bukod sa pantanggal ng stress, mabisa raw ito para magkaroon ng mas magandang blood circulation.
PHOTO/S: Facebook (Kalibo Ostrich Farm)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results