Napabilang sa listahan ng Guinness World Records ang bagong record para sa "largest wearable cake dress."
Ang kakaibang cake ay creation ng baker mula sa Switzerland na si Natasha Coline Kima Fah Lee Fokas, may-ari ng SweetyCake.
Isinuot niya ang damit na yari sa cake na may timbang na 131.15 kilos noong January 15, 2023 sa harap ng mga exhibitors.
Ang SweetyCake ay isang bakery sa Bern, Switzerland na ang specialization ay custom cakes.
Itinatag ito ni Natasha noong 2014.

Naka-upload sa official Instagram ng Guinness World Records (GWR) ang video ng cake na nasa porma ng isang malaking white gown.
Nilagyan ito ng caption na (published as is), "Largest wearable cake dress [supported] 131.15 kg [289 lbs 13 oz] by Natasha Coline Kim fah Lee Fokas, SweetyCakes."
Ipinakita ang wearable cake dress sa finale ng Swiss World Wedding fair, na sinaksihan ng mga manonood at iba pang exhibitors na nagpakita rin ng kanilang likha sa fashion show na tinaguriang “the best of the wedding industry.”
READ ALSO: “World’s largest flower” muling bumuka sa Antique
CAKE PATTERNED AFTER A WEDDING DRESS
Dahil bagong record, ang minimum weight ng cake ay dapat na lampas sa 68 kilograms o 149 lbs., 14 oz.
Kinakailangan din na kaya itong ilakad ng model na may suot nito nang hanggang limang metro, o 16 feet, nang hindi nasisira para maging valid ang record.
At dahil sa nature ng event, ang wearable cake dress ay binuo sa disenyo ng isang wedding dress.

Layered ang cake dress na may sweetheart neckline at icing na mga bulaklak.
Para maging matibay, ang cake dress ay suportado ng aluminum frame na may dalawang metal bolts o turnilyo.
Ang itaas ng damit ay corsage na gawa sa plaster na may timbang na 50.90 kilograms (112 lbs. 3.455 oz.).
Ang ibabaw ay yari naman sa sugar paste o fondant.

Ang frame, na nagsilbing cake dress skirt at ang maliit na boards na may taas na 10 cm (3.9 inches) ang pinagpatungan ng cake.
Dahil naman sa laki ng sukat, may mga gulong na inilagay sa ilalim ng board na pinaglagyan nito.
READ ALSO: Kalinga breaks world records for “largest gong ensemble and banga dance"
CAKE DRESS NAGSIMULA SA “CRAZY IDEA”
Pahayag ni Natasha sa kanyang naging achievement, "A few years ago, I was in the middle of my work as a cake designer, in my then tiny ‘shop’ at the back of my mini studio and busy decorating a wedding cake.
“I had a crazy idea: ‘How great would it be if a whole wedding dress was made of cake?’
“A few days later, my youngest daughter Elli was already the model for the first attempt.”
Ang pinakamahirap na bahagi ng proseso: Paano ito tatagal?
Aniya, “How is it possible to construct the part of the dress that has to be worn on the skin in such a way that it holds up?
“It wasn't perfect, but perfect for the first time.
“The attempt was a challenge to myself, and it's nice to have it officially confirmed."
READ ALSO: 2,000 kilo ng isdang malaga inihaw sa pista ng Buguey, Cagayan
THE CAKE DRESS STATS
Para matiyak na makukuha ni Natasha ang record, tinimbang ang wearable cake dress.
Kabilang sa sinukat ang timbang ni Natasha bago niya isinuot ang cake.
Tinimbang din ang cake habang suot niya, para matiyak na eksakto ang measurement.
Ang timbang ni Natasha, ng corsage, internal support, at ng metal bolts ay umabot sa 111.60 kg o 246 lbs, 0.5742 oz.
Lahat-lahat, kasama ang cake, ang kabuuang timbang ay 242.75 kg o 535 lbs, 2.754 oz.
Nang mabawas ang timbang ng support at ni Natasha, ang final and official measurement ng cake ay 131.15 kg.
Sinaksihan ito ng official adjudicator ng GWR na si Seyda Subasi-Gemici para matiyak na nasunod ang lahat ng guidelines.
NETIZEN'S REACTION TO HE WEDDING CAKE DRESS
Naging viral ang video at milyun-milyong netizens ang nakapanood sa Instagram.
Marami sa mga ito ang namangha sa obra ni Natasha.
Komento ng isang Instagram user, “Proving you can wear your dress and eat it too.”
Komento ng karamihan, “This is incredible!”
Gayunpaman, may mga bumatikos din sa video at sinabing isa itong bizarre achievement para lang makapasok sa GWR list.

Samantala, dahil may patakaran ang GWR na hindi dapat masayang ang pagkain na ini-evaluate nito, ipinakain ang cake dress sa mga guests sa booth ng SweetyCakes sa ginanap na fair.
Ang natira ay ipinamahagi nang libre sa mga suki ng flagship store nang sumunod na araw.