PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Santo Entierro Image Salvaged by Priest, Police

“Sir, just to tell you, I did not salvage Christ.”
by KC Cordero
Published Mar 22, 2023
Fr. Jonel Peroy and the wrapped sculpture
Todong nerbiyos ang naramdaman ni Fr. Jonel Peroy nang masita ng mga pulis dahil sa mukhang na-salvage niyang kargada. “They really suspected that something was off because of how my cargo appeared. It really looked like a dead man, wrapped in plastic. Of course, it was the dead Christ. I was really perspiring.” (Photo courtesy of Fr. Jonel Peroy)

Napagkamalan ng mga pulis sa Davao Del Sur na may dalang “salvage victim” sa kanyang sasakyan si Fr. Jonel Peroy, isang pari sa bayan ng President Roxas sa lalawigan ng Cotabato, umaga ng March 21, 2023.

Pinahinto ng mga awtoridad ang kanyang sasakyan sa isang checkpoint sa Kidapawan City.

Karga kasi niya ang nakabalot sa bubble wrap na imahe ni Hesukristo, ang “Santo Entierro.”

Binili ito ng simbahan ni Fr. Jonel sa Digos City, Davao del Sur, at gagamitin sa mga aktibidad ng kanilang parokya ngayong paparating na Semana Santa.

Read also: Traffic control chief’s “notice of disconnection” turns out to be wedding invitation

Sa Facebook post ni Fr. Jonel, matapos siyang pahintuin ng mga pulis ay sinabi ng mga ito na mukhang patay ang nakabalot na sakay niya.

Sinabihan umano siya ng mga ito na bumaba.

Ayon sa pari ay pinagpapawisan siya sa nerbiyos habang ipinapaliwanag na plaster sculpture lang ang nasa bubble wrap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, iginiit ng isa sa mga pulis na kailangang makita kung ano talaga ang laman nito.

Simpleng inspekyon lang umano ang ginagawa nila.

Photo of wrapped sculpture

Aminado naman si Fr. Jonel nang bumaba siya sa sasakyan at tingnan ang kanyang karga na mukha nga itong patay na taong ibinalot sa plastic.

“They asked me to alight to take a close look at what I had inside my car.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They really suspected that something was off because of how my cargo appeared.

“It really looked like a dead man, wrapped in plastic.

“Of course, it was the dead Christ. I was really perspiring.”

Tinanggalan niya ng balot ang Santo Entierro.

Sinabi rin niya sa mga pulis na isa siyang pari.

“So that they would stop asking so many questions.”

Natawa naman aniya ang mga pulis nang makita ang imahe at matiyak na hindi bangkay ng tao.

Read also: Pinay nilibot 82 provinces sa Pilipinas; PHP500K ang total expenses

Humingi rin ang mga ito ng dispensa kay Fr. Jonel.

Sabi umano ng mga ito, “We’re really sorry, Father, we thought you just salvaged a man.”

Birong sagot naman niya, “Sir, just to tell you, I did not salvage Christ.”

Kapag Holy Week, idini-display sa mga Simbahang Katolika ang imahe ng Santo Entierro matapos ang Seven Last Words pagsapit ng alas tres ng hapon ng Biyernes Santo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Photos of Santo Entierro

Batay sa tradisyon, sa ganitong oras ay pumanaw na si Hesukristo sa krus.

Ngayong taon, ang observance ng Holy Week ay mula April 6 hanggang April 9.

Pinuri naman ni Fr. Jonel ang mga pulis na humarang sa kanya sa pagiging mapagmatyag ng mga ito, at ginagawa talaga nila ang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Pusang "graveyard shift" vendor sa bangketa, nabigyan ng makeover

Aminado naman siyang na-stress sa naging karanasan.

Aniya, sa naging karanasan ay isang bagay ang labis niyang ikinabahala: “Do I look like a criminal?”

Samantala, last March 18 ay nai-post pa ng supplier ang imahe ng Santo Entierro na ready for pick-up na ni Fr. Jonel.

Ayon sa supplier, bukod sa binili ni Fr. Jonel, may isa pang imahe na para naman sa simbahan sa Braulio E. Dujali, Davao del Norte.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Todong nerbiyos ang naramdaman ni Fr. Jonel Peroy nang masita ng mga pulis dahil sa mukhang na-salvage niyang kargada. “They really suspected that something was off because of how my cargo appeared. It really looked like a dead man, wrapped in plastic. Of course, it was the dead Christ. I was really perspiring.” (Photo courtesy of Fr. Jonel Peroy)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results