Tumanggap ng PHP100,000.00 cash gift si Lola Eulogia C. Bolivar ng Nasipit, Agusan del Norte bilang bahagi ng Centenarian Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sumapit na kasi siya sa kanyang ika-100 taon.
Ang cash gift ay personal na dinala ng DSWD Caraga kay Lola Eulogia last March 22, 2023.

"Makita namo nga inspired ug malipayon si Nanay tungod sa inyong gugma ug pag amping sa iyaha," ayon kay Rachel B. Bade, SWOII, Social Pension Program Management Focal Person.
Roughly translated, ang ibig niyang sabihin ay, “Nakikita namin na inspired at masaya si Nanay dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya.”
Sa pamamagitan ng Zoom, sinaksihan ng mga kapamilya ni Lola Eulogia ang awarding ceremony.

Kasama rin sa bumisita sa centarian sina Nasipit Municipal Mayor Roscoe Plaza, Municipal Social Welfare and Development Officer Aiko C. Haya at LGU Senior Citizen Focal Jonitha Villalongja.
Ang PHP100,000 cash gift para sa mga centenarians ay ipinatutupad ng DSWD sa pamamagitan ng programang kaakibat ng Republic Act 10868, o ang Centenarian Act of 2016.
Read also: Meet Jhon Rey Tayam: swimming prodigy ng Apayao
Bukod naman sa natanggap na cash gift mula sa DSWD, panibagong PHP100,000 naman ang ipagkakaloob ng local government unit ng Nasipit kay Lola Eulogia.
Bahagi naman ito ng programa ng Nasipit LGU sa mga constituents nito na sumasapit sa edad na 100.
Samantala, iniulat din ng DSWD Caraga na nakapagtala ito ng mas maraming babaeng centenarians sa Region 13 simula noong 2022.
Sa unang tatlong buwan pa lang ng 2023, sinabi ng DSWD Caraga na walo sa siyam na centenarians na nakatanggap ng mga benepisyo mula sa ahensya ay mga babae.
Read also: Meet Lorna Eluna, Madam Kargador ng Zamboanga; kaya ring magsibak ng kahoy at magsaka
Ayon sa DSWD Caraga, “In 2022, 36 out of 44 of the centenarians recorded in the region were also women.”
Lumalabas na 81.81 percent sa kabuuang bilang ng centenarian beneficiaries ng programa noong isang taon ay mga babae.
“According to the Population Reference Bureau, biological differences also help to explain women's higher longevity,” ayon pa sa ahensya.
Read also: Meet Tatay Danilo: from encyclopedia vendor to “hari ng pares”
Tinukoy rin ng DSWD Caraga na naniniwala ang mga scientists na ang estrogen sa kababaihan ay nalalabanan ang mga sakit sa puso dahil napapababa nito ang circulatory levels ng mapanganib na cholesterol.
Dagdag pa ng ahensya, “Women are also thought to have stronger immune systems than men.”
Si Lola Eulogia ang pinakahuling napadagdag sa dumaraming bilang ng babaeng centenarian sa rehiyon.
