Matapos ang higit 30 taon na pagpapapako sa krus, magreretiro na si Ruben Enaje, ang itinuturing na pinakamatagal na nagpapapako sa krus sa Pampanga tuwing Semana Santa.
Si Ruben, now in his mid-60s, ay naging bahagi na ng taunang senakulo at tradisyon ng Brgy. San Pedro, Cutud.
Naging atraksiyon na rin siya para sa mga taong nais makapanood ng kanyang penitensiya.
Ngayong darating na Biyernes Santo ang ika-34 beses ng pagpapapako ni Ruben, at ito na rin ang huli.
Ani Ruben sa panayam ng GMA News kamakailan, “Kasi nararamdaman ko yung katawan ko. Hindi na kaya."

Huli siyang nagpapako noong 2019, bago natigil at nalimitahan ang mga akitibidades—kabilang ang senakulo—for three years dahil sa pandemya.
THE BEGINNING OF RUBEN ENAJE'S TRADITION
Si Ruben ay isang karpintero.
Ayon sa April 2021 article ng The Review of Religions, nagsimula ang panata niyang ito nang makaligtas sa kamatayan matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang building.
Dahil nabigyan siya ng pangalawang buhay, naging panata ni Ruben na gagawa siya ng penitensiya, at ito nga ay ang reenactment ng crucifixion.
Nakalakihan rin ito ni Ruben dahil maging ang tatay niya ay nagpepenitensiya rin tuwing Mahal na Araw.
Siya ay 20 anyos noong nagsimulang sumunod sa mga nagpepenitensiya—ang mga nagbibitbit ng krus o kaya ay katulad ng kanyang ama na nilalatigo ang likod.
Pagsapit niya ng 26 anyos, nagsimula siyang magpapako sa krus.
Samantala, ani Father Jerome Siciliano ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang penitensiya ay taliwas sa itinuturo ng simbahan.
Aniya, “Ito naman ay ginagawa ng ibang mga tao na naniniwala na kapag sila ay nagpapako sa krus o di kaya naglatigo ng sarili, mapapatawad yung kanilang kasalanan.
“That is very contrary to the teachings of the Catholic church, kasi kung pagpapatawad ng kasalanan ang pinag-uusapan, kumpisal ang kinakailangan ng isang nagkasala.”
