PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manzano, Netizens React to Badminton on NLEX

May pa-liga sa gitna ng daan?
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Apr 13, 2023
badminton game
Mixed reactions ang netizens sa ginawang paglalaro ng badminton ng ilang motorista sa North Luzon Expressway southbound dahil sa matinding trapiko. Bagamat marami ang natawa, may mga nagkomentong bawal ito.
PHOTO/S: Facebook (Nays Martin Baoec)

Sa tindi ng traffic, puwede na maglaro ng badminton!

Ito mismo ang tampok sa Facebook Reel na may caption na “NLEX Paliga,” na in-upload ng netizen na si Nays Martin Baoec noong April 9, 2023.

Naging viral ang video kung saan makikita ang dalawang lalaki na naglaro ng badminton sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) habang hindi gumagalaw ang hili-hilerang sasakyan.

Napakomento sa post ang lalaking nasa video. Sabi nito (published as is), “Nays Martin Baoec nakunan niyo pala kame sir HAHAHA laugh trip sir diba kesa mahighblood sa init at traffic haha”

Nangyari ang insidente nang pabalik na sa Maynila ang mga bakasyunista mula sa kanilang Holy Week break.

Mayroon nang halos 10,000 likes, 7,000 shares, at 500 comments ang naturang Facebook Reel, as of this writing.

LUIS MANZANO, NETIZENS REACT

Bagamat maikli lamang ang video ay hindi ito pinalagpas ng netizens.

Katunayan, isa si movie/TV actor Luis Manzano sa mga natuwa at nag-share ng viral video sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamahan niya ito ng caption na “Yung sa sobrang traffic nagpa liga nalang tayo sa NLEX” with three laughing emojis.

Sinundan niya rin ito sa comments section ng, “May champion na kaya?”

Sa mismong Facebook Reel post naman ni Nays ay samu’t sari din ang inputs ng mga commenters.

May isang netizen na nagsabing (published as is): “Di Pa Kayo Nagdala Ng Inflatable Pool Para Advance Outing Na!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa isa pa, magandang idea ito upang maibsan ang pagkainip habang traffic: “ganito sana para di kau nabored sa traffic”

comment

Sa kabilang banda, may mga nagbanta tungkol sa pagiging delikado ng ginawang paglalaro sa expressway.

Pahayag ng isang netizen, “Yari na pag may humanap ng butas para may Kaso....”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sang-ayon naman dito ang isa pa (published as is), “Naku po bawal Yan mga sir Hindi po yan safe sana inisip muna gagawin.”

comment

Mayroon pa ngang naglagay ng excerpt mula sa batas (published as is), “Republic act no. 2000 Limited Access Facility Act.

"A person or group of persons is not allowed or permitted to stand, stop, load, unload, or park a vehicle in the Limited Access Facilities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"1. Nilabag Ang safety road rules haiys! Before Gumawa Ng isang bagay pagisipan muna mabuti haiys”

comment

HEAVY TRAFFIC DURING HOLY WEEK

Dahil sa pagdagsa ng mga bakasyonista at mga uuwi sa probinsya, inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko tuwing sasapit ang Holy Week.

Hindi nagbago ang sitwasyon ngayong taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimulang bumagal ang daloy ng mga sasakyan sa expressway northbound noong April 5. Tumagal ito hanggang kinabukasan dahil sa dami ng mga motoristang naghahabol para sa pinakamahabang holiday ng taon, na nagsimula ng April 5 hanggang April 10.

Noong April 9-10 naman bumigat ang daloy pa-southbound dahil nagkukumahog na ang mga bakasyunista na makabalik sa Metro Manila.

Ganito rin ang sitwasyon sa iba pang mga major roads, tulad ng South Luzon Expressway (SLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at iba pa.

Sa interview ni Mark Salazar ng 24 Oras kay NLEX Traffic Operations Department head Robin Ignacio, sinabi ng huli na bukod sa pagdagsa ng motorista, ang build-up ng mga sasakyan ay karaniwang nangyayari sa mga cash booths.

Tinatayang 30% o 100,000 na mga motoristang dumayo sa expressway ang wala pa ring RFID hanggang ngayon.

“Mas convenient ang may RFID. Mas mabilis ang pagdaloy sa plaza. Ang oras na ginugugol nila sa pagpila, ganun din gastos nila sa gasolina habang nakapila. Hindi pa siguro nila na-re-realize yun,” ani Ignacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumadagdag pa minsan ang mga aberya, tulad ng aksidente o pagkasira ng sasakyan.

Kaya’t palagiang apela rin ng mga opisyal na ugaliin ng mga motoristang i-check ang kondisyon ng kanilang mga sasakyan bago tumulak sa kanilang destinasyon.

NLEX REACTS TO THE VIRAL VIDEO

Samantala, nakarating sa management ng NLEX ang ginawa ng dalawang lalaki at naglabas ng statement.

Pahayag ng pamunuan ng NLEX sa pamamagitan ng Metro Pacific Tollways Corp. na mahigpit ipinagbabawal ang paglalaro sa expressway.

Narito ang statement: “When the traffic was at full stop these motorists alighted from their vehicles and did these unsafe acts.

"They would definitely be stopped had we seen them, but our personnel were focused on responding to the emergency situation to ensure everyone's safety.”

Ang sinasabing emergency ay ang nasunog na tank truck sa NLEX sa may bandang Candaba Viaduct noong weekend.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mixed reactions ang netizens sa ginawang paglalaro ng badminton ng ilang motorista sa North Luzon Expressway southbound dahil sa matinding trapiko. Bagamat marami ang natawa, may mga nagkomentong bawal ito.
PHOTO/S: Facebook (Nays Martin Baoec)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results