Good deeds do not go unnoticed.
Kaya naman pinusuan ng netizens ang post last April 25, 2023, ni Jessiel Ivy Gedoria ng Cebu City sa kanyang Facebook account
Tungkol ito sa magandang koneksiyon ng kanyang ina na si Nanay Livy, 56, sa mga suking estudyante nito sa kanilang mini-snack store.

Read also: Street musician hindi akalaing makaka-duet si Ebe Dancel
Ayon sa post ni Jessiel, “Mama is not a teacher, but she receives sweet morning greetings from students every day.
“She's not their mother, but she treats them like a child of her own.”
Bukod dito, ibinahagi rin ni Jessiel na nagbibigay ng libreng snacks si Nanay Livy sa mga estudyanteng gusto sanang magmeryenda pero wala namang perang pambili.
Read also: 65-year-old Nancy Regis among bar-exam passers
Mabait din ito at maalalahanin sa mga estudyante, at laging itinatanong sa mga ito kung nagkapag-almusal o nakapagtanghalian na.
Pagbabahagi pa ni Jessiel, “They call her ‘Nanay’ and as a mother who wishes the best for her children, she motivates them to do their best, especially in their studies.
“Whenever they visit our mini snack store, she would remind them to behave, listen to their teacher, study well, and be good students.”

Read also: Barbie doll na may Down syndrome, inilunsad
At noong April 24, may “new gimmick” ani Jessiel si Nanay Livy para ma-motivate ang mga suki nitong estudyante: “The first 20 perfect exam scorers get a free snack from Nanay Livy!”
Ani Jessiel, tuwang-tuwa siya sa mga naging reactions ng mga estudyante.
Ungkat umano ng mga ito kay Nanay Livy:
"Tinood ni nay? Perfect baya ko!" (Totoo ba ito, Nay? Perfect ako!)
"Ako sa huwaman akong test paper ni ma'am, Nay." (Hiramin ko muna ang aking test paper kay Ma'am, Nay.)
"Nay puyde ra 48/50?" (Nay, puwede ang 48 over 50?)
"Nay puyde ra perfect sa ESP?" (Nay, puwede ang perfect sa ESP?)
"Nay hangyo usa lang ka wrong?" (Nay, puwedeng tawad na lang ang isang mali?)
"Sayanga usa ra jud ako wrong." (Sayang, isa lang ang mali ko.)
"Unson nalang me aning dili perfect." (Paano kaya kaming mga hindi naka-perfect?)
Nakita umano ni Jessiel ang gigil ng mga estudyante para maka-perfect sa exam.
Kuwento pa niya, “Those who got perfect scores went to the store, with their test papers, to claim their free snack.”

Read also: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales celebrate monthsary with meals worth less than PHP200 in carinderia
Natatawa pa niyang pagbabahagi, kinailangan nga lang limitahan sa 20 ang mabibigyan ng reward dahil malulugi naman ang kanilang tindahan.
Ine-expect na rin ni Jessiel na mas gagalingan ng mga estudyante ang pagkuha ng exam sa susunod dahil sa ginagawang motivation ni Nanay Livy sa mga ito.
“And to those who got one or two mistakes, perfect na sana sa susunod.”
Pinuri niya ang mga estudyante sa pagsisikap ng mga ito, pero payo niya, “With or without a free snack ni Nanay, always give your best shot.”
Ang post ni Jessiel ay na-pickup na ng iba’t ibang media outlets, at nakakuha na ng 19K heart reactions, 381 comments at 9.9K shares at press time.
Read also: Biyudang lola sa Davao Del Sur, solo winner ng PHP35M sa Lotto 6/42