Nagmagandang loob ang Cathay Pacific sa overseas Filipino worker na ang iniuwing laruang eroplano bilang pasalub sa anak ay dinurog ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoyong Aquino International Airport kamakailan.
Pinalitan ng Cathay Pacific ang nasabing laruan.
Sa kanyang Facebook post noong April 25, 2023, ibinahagi ni Cheng Quitasol Alconcel ang mga larawan ng laruang eroplano na ipinadala sa kanya ng airline company.

Ang kanyang caption sa post, published as is: “Thanks to Cathay Pacific Airlines Philippines for this token.
"I appreciated it a lot. Thanks to Ma’am Anna who reach out for me after the incident was happen.
“God bless you all po! And nice meeting you all in person po."
Read also: Laruang pasalubong ng OFW sa anak, binasag ng taga-Bureau of Customs at inakalang kontrabando
Matatandaang naging viral ang insidente sa NAIA nang ibahagi noon ni Cheng sa isa niyang social media account ang aniya’y naging "stressful" experience niya sa mga tauhan ng BOC sa NAIA.
Galing siya noon sa Hong Kong, at may connecting flight pauwi na sa kanyang pamilya sa Laoag, Ilocos Norte.

Read also: Vlogger, arrested after sneaking inside Davao airport, airplane using fake ID for video content
Habang hinihintay ang eroplanong kanyang sasakyan, nilapitan umano siya ng isang taga-BOC dahil may nakita sa kanyang bagahe.
Ito ay ang laruang eroplano na ipasasalubong ni Cheng sa anak.
Dalawang beses umanong idinaan sa X-Ray machine ang kanyang bagahe.
Ipinaamoy rin ito sa K-9 unit.
Ani Cheng, “Yung hindi ordinaryong laruan iyan. Yung na-stress ako nang sobra, akala ko kung ano na.”
Read also: Isang OFW sa U.A.E., isa ring mapagkawang-gawang streamer
Aniya, tila noon lang nakakita ang mga nag-iinspeksiyon ng bagahe niya ng ganoong display.
Hindi rin aniya ordinaryong laruan ang dala niya.
Para wala nang isyu, ipinasira na lang niya sa taga-BOC ang laruan para rin matiyak ng mga ito na wala namang laman na kontrabando o anuman.
Sinabi rin niyang nanghihinayang siya sa iniuwing laruan na binasag lang dahil maganda pa naman sanang pang-display ito.
Hindi na rin niya iyon pinabayaran.

Read also: Bureau of Immigration tigil na sa paggamit ng paper-based departure cards
Ang ibinigay namang laruan kay Cheng ay ang scale model ng Airbus A350-900 ng Cathay Pacific.
May kasama ring note ang laruan na nagsasabing: "We therefore hope with this token it brings back smiles and joy."
Sa ulat ng GMA News noong April 3, nag-suggest si Cheng sa BOC na mag-upgrade ng scanning machines sa airport para mas malinaw na makita ang laman ng mga bagahe at hindi na maulit ang nangyari sa kanya.
Read also: Passengers’ horror stories with immigration officers at NAIA
Sinabi rin sa ulat na humingi ng paumanhin kay Cheng si Atty. Vincent Maronilla, assistant commissioner at spokesperson ng BOC dahil sa nangyari sa laruan.
Pinuna naman ng netizens ang naturang insidente at sinabing wala rin palang silbi ang X-ray machine at ang sniffing dog sa airport dahil sinira rin ng empleyado ng BOC ang laruan para makita ang loob.
Dapat din umanong kinalas na lang nang maayos ang laruan, at hindi binasag para hindi naman sayang ang pasalubong ni Cheng sa anak.
Read also: VIRAL: Ang kuwento sa likod ng pasaherong nagsuot ng toga sa airport
