Inakala ni Reed Schweizer ng Florida, USA na naparami lang masyado ang kanyang nainom na alak nang marinig niyang magsalita ang isang ibon sa likod niya.
Nasa patio siya noon ng kanyang tahanan.
Sambit ng ibon: "Peek-a-boo."
Ani Reed sa panayam ng ABC7 last April 14, 2023, "All of a sudden, I hear from behind me, 'Peek-a-boo,' with a cocktail in my hand.
“And I'm thinking to myself, birds don't talk."
Ang ibon ay isang rare Solomon Island Electus parrot.
Read also: 80 adopted cats and dogs, bida sa mga major celebrations ng couple

Ayon pa rin sa ulat ng ABC7, ang parrot ay tatlong araw na palang nawawala.
Ang may-ari nito ay si Brent Chadwell.
Pinangalanan ito ni Brent ng Tiki, na isang male at five years old na.
Ani Brent, labas-masok si Tiki sa kulungan nito anumang oras nito gustuhin.
Mahilig si Tiki na mag-stretch ng mga pakpak, at lumipad-lipad sa loob ng bahay ni Brent.
Read also: Imported purebred cats sa Pinas, umaabot sa PHP500,000 ang halaga
Nakalabas umano si Tiki nang maglinis ng bahay ang girlfriend ni Brent, at nagkataong nakabukas ang mga bintana.
Nag-post ang magkasintahan ng mga larawan ni Tiki sa social media sa pag-asang may makakita sa kanilang extremely rare pet.
Pero makalipas ang ilang araw, wala pa ring nakukuhang lead ang magkasintahan tungkol kay Tiki.
Naibahagi rin ni Brent na walang masyadong alam na salita si Tiki.
"He says 'peek-a-boo,' 'tickle tickle tickle,' 'give me that foot,' 'come here,' 'hello' and 'hi.'"
Nagkataon namang nasa bahay ni Reed ang kanyang sister na isang veterinarian.
Dahil sa kakayahan ni Tiki na magsalita ng ilang words, alam ng kapatid ni Reed na ang rare parrot ay mayroong owner.
Kinunan niya ito ng mga larawan, at ipinost sa Facebook.
Nakita ng mga kaibigan ni Brent ang post, at agad ipinagbigay-alam iyon sa kanya.
Read also: Couple naglunsad ng donation drive para sa mga napapabayaang hayop sa Negros Oriental zoo

Read also: Pusang "graveyard shift" vendor sa bangketa, nabigyan ng makeover
Agad na pinuntahan si Tiki sa bahay ni Reed.
Ani Brent, “I started crying as soon as I saw that picture because I knew that was [him].
“The fact that we found him a quarter mile away after three days is a miracle.”
Dagdag pa niya, mabuti na lang at narinig ni Reed na nagsalita ng “peek-a-boo” si Tiki.
"That's definitely Tiki's way of telling them 'I need help.'"
Payo niya sa mga nawawalan ng pet, “Don’t give up. Keep searching, keep posting, keep talking to people, and you’ll get it home.”
Read also: Couple naglunsad ng donation drive para sa mga napapabayaang hayop sa Negros Oriental zoo