PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Estudyanteng gutom na, kinain ang saging artwork worth PHP6M

Hindi raw kasi nag-almusal.
by KC Cordero
Published May 2, 2023
Photos of the Comedian artwork
Muling nag-viral ang artwork na saging na idinikit sa wall gamit ang duct tape nang kainin iyon ng isang estudyante. Ibinalik naman niya ang balat sa wall.

Ang hinog na saging na nakadikit sa wall sa pamamagitan ng duct tape ay isang iconic work of art ng Italian artist na si Maurizio Cattelan.

Pinamagatan na Comedian, ang obrang ito ni Cattelan ay naging isa sa art world's biggest viral moments nang maibenta ito sa halagang US$120,000 (PHP6,641,700.00) sa Art Basel Miami Beach noong December 2019.

Ang dalawa pang editions ng nasabing obra ay nabenta rin sa naturang art fair.

Photo of the Comedian artwork
Read also: Parrot na nawawala, naibalik sa owner dahil marunong magsalita

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi ganito ang nangyari nang itampok ang Comedian art ni Cattelan sa Leeum Museum of Art sa Seoul, South Korea last April 27, 2023.

Isang art student mula sa Seoul National University ang natakam sa artwork.

Tinanggal ng estudyante ang saging na nakadikit sa wall, saka kinain iyon!

Read also: Larawan ng Pangulo at First Lady ng South Korea, ginawang target ng pana sa isang rally

Ayon sa tagapagsalita ng museum, nang tanungin ang estudyante kung bakit niya kinain ang saging, ang sagot umano nito ay nagugutom na siya dahil hindi siya nag-alumusal.

Matapos namang kainin ang saging, muling idinikit ng estudyante ang balat nito sa wall gamit ang duct tape.

Agad namang pinalitan iyon ng museum ng sariwang saging.

ARTIST WALANG REAKSYON SA INSIDENTE

Ibinahagi ng tagapagsalita ng museum na napakabilis ng mga pangyayari kaya hindi na nagawang pigilan ang estudyante para huwag nitong makain ang artwork.

Ipinagbigay-alam na rin ang nangyari kay Cattelan, pero wala naman umano itong naging reaksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na binigyan ng anumang disciplinary action ang estudyante na nakilalang si Noh Huyn-soo.

Photo of the Comedian artwork and the student

Ang obra ay bahagi ng solo exhibition ni Cattelan sa Seoul-based museum hanggang July 16.

Ang saging ay regular na pinapalitan kada dalawa o tatlong araw—at hindi ibinibenta.

Read also: Quezon City underpass tampok ang makulay na art exhibit

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

COMEDIAN MADALAS KAININ SA EXHIBIT

Kilala si Cattelan sa kanyang satirical pieces na kalimitan ay humahamon sa popular culture, at nagiging ugat ng mga debate tungkol sa conceptual art.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na may nagkamaling kinain ang artwork.

Matapos mabenta ang first edition ng Comedian noong 2019, kinuha at kinain ng performance artist na si David Datuna ang naka-display na saging sa Perrotin gallery sa Art Basel sa Miami.

Read also: Barbie doll na may Down syndrome, inilunsad

Nagulat ang mga nakasaksi sa ginawa ng performance artist.

Na-enjoy naman ni Datuna ang kanyang ginawa, at nag-post pa ito sa Instagram with the caption: "I really love this installation. It's very delicious."

Ipinagtanggol din niya ang ginawa, at sinabing bahagi iyon ng kanyang art performance, at hindi isang porma ng bandalismo.

Read also: Meet Joneil Severino, the amazing giant-leaf artist

Bago naman nabenta ang artwork ni Cattelan at naging viral, ipinaliwanag ng Perrotin gallery na ang saging ay simbolo ng global trade, at laging ikinokonekta sa male sex organ kaya naging isa ring classic device para sa pagpapatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa gallery, nagagawa ni Cattelan ang mga ordinaryong bagay na maging "vehicles of both delight and critique."

Sa Comedian, hindi nagbigay si Cattelan sa potential buyers ng instructions kung ano ang gagawin sa artwork kapag nagsimula na itong mabulok.

ISYU SA COPYRIGHT

Ang artwork ay naging mitsa rin ng isyu sa copyright.

Noong 2022, inakusahan ni Joe Morford, isang artist mula sa Glendale, California, si Cattelan na kinopya ang kanyang 2000 artwork na may pamagat na "Banana & Orange."

Banana and Orange artwork

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Largest “wearable cake wedding dress” pasok sa Guinness World Records

Makikita sa artwork ni Morford ang mga prutas na nakadikit sa wall gamit ang duct tape.

Batay sa court documents, inirehistro ni Morford ang kanyang artwork sa US Copyright Office at inilabas sa kanyang website, Facebook, at YouTube accounts bago pa nilikha ni Cattelan ang Comedian.

Ang argumento naman ng mga abogado ni Cattelan, walang valid copyright si Morford sa mga elemento ng artwork—ang saging at ang duct tape na nakadikit sa dingding.

Complicated ang kaso dahil bagaman at pinaboran ng judge si Morford, siya ang nag-represent sa kanyang sarili at hindi nag-hire ng abogado.

Read also: Mekaniko sa Pangasinan, nagagawang amazing artworks ang scrap metal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling nag-viral ang artwork na saging na idinikit sa wall gamit ang duct tape nang kainin iyon ng isang estudyante. Ibinalik naman niya ang balat sa wall.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results