PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang Cute! Pet Nakilala Ex-BF 18 Months After

Mas na-miss ng dog si ex?
by KC Cordero
Published May 10, 2023
Naka-move on na si Camila Perman sa kanyang naging relasyon sa kanyang ex-boyfriend, pero hindi pa ito nakakalimutan ng kanyang pet dog na si Gala.

Isang taon at kalahati nang hiwalay si Camila Perman sa kanyang ex-boyfriend.

Ang relasyon nila ay umikot lang sa paminsan-minsang pagde-date.

Walang ibinigay na detalye tungkol sa guy, maging ang pangalan nito ay hindi na binanggit.

Hindi rin sinabi kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, pero maayos naman itong nangyari.

Sa panahon na magkarelasyon pa sila ng ex-boyfriend, nag-ampon ang pamilya ni Camila ng isang aso.

Read also: Parrot na nawawala, naibalik sa owner dahil marunong magsalita

Photo of Gala

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Shih Tzu, “most popular” dog breed sa Pilipinas

“Gala” ang ibinigay nilang pangalan sa aso, na isang female Golden Retriever.

Malambing na aso si Gala, at mahal na mahal ito ng pamilya ni Camila.

Maging ang kanyang ex-boyfriend ay naging super close sa aso nung sila pa.

Nang maghiwalay sila, nawalan na rin sina Camila at Gala ng kontak sa kanyang ex-boyfriend.

Makalipas ang 18 months, naka-move on na si Camila sa kanyang previous relationship, pero natuklasan niyang hindi pa nakakalimutan ni Gala ang kanyang ex-boyfriend.

Read also: 80 adopted cats and dogs, bida sa mga major celebrations ng couple

Patunay rito ang TikTok video na ipinost ng dalaga last April 2023.

Isang gabi habang ipinapasyal niya sa park si Gala, napansin niyang may isang park-goer na naglalakad patungo sa direksiyon nila.

Madilim sa area at hindi niya maaninag ang anyo ng taong naglalakad, pero kahit malayo pa ito ay agad na-recognize ni Gala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang ex-boyfriend ni Camila.

Read also: Meet Arwen, ang adorable kitten na bawal ampunin

Makikita sa TikTok video na mabilis sinalubong ni Gala ang lalaki.

Nang magtagpo ang dalawa, napahiga ang aso sa tuwa.

Nag-belly rub naman dito ang ex-boyfriend ni Camila, at pagkatapos ay binuhat si Gala.

Read also: Imported purebred cats sa Pinas, umaabot sa PHP500,000 ang halaga

Gala meets her master's ex-boyfriend

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Pusang "graveyard shift" vendor sa bangketa, nabigyan ng makeover

Sa kanilang naging reaksiyon, hindi naging hadlang ang mahabang panahon na hindi sila nagkita para ipakita ang fondness sa isa’t isa.

Ayon kay Camila, nakakatuwa na makitang naglambingan muli si Gala at ang kanyang ex-boyfriend.

Inihatid pa umano sila nito sa bahay para tiyaking safe silang makauuwi.

Ang ex-boyfriend ang nagkarga kay Gala.

Read also: Couple naglunsad ng donation drive para sa mga napapabayaang hayop sa Negros Oriental zoo

Gala carried by her master's ex BF

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Snake massage for PHP300 sa Kalibo, Aklan, marami umanong health benefits

Walang binanggit si Camila kung nagkaroon muli ng spark sa pagitan nila ng kanyang ex-boyfriend matapos ang aksidente nilang pagkikita.

Kung may malinaw man aniya, ito ay ang katotohanang mahal pa rin ito ni Gala.

Nang tanungin kung open siya sa future meet-ups sa kanyang ex-boyfriend para kay Gala, pagtitiyak ni Camila, “Yes, I think so.”

Ang TikTok video ng aksidenteng pagkikita nina Gala at ng ex-boyfriend ng kanyang amo ay nakakuha na ng mahigit seven million views.

Read also: Meet Fuffy, ang cute dog na kayang umuwing mag-isa after grooming

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-move on na si Camila Perman sa kanyang naging relasyon sa kanyang ex-boyfriend, pero hindi pa ito nakakalimutan ng kanyang pet dog na si Gala.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results