PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mangingisda sa Occidental Mindoro, pinapak ng tiger sharks

Kalahati na lang ng katawan ang natira
by KC Cordero
Published May 15, 2023
The body of fisherman
Kalunus-lunos ang sinapit ng mangingisda na inatake ng tiger sharks sa bahagi ng karagatan ng Occidental Mindoro. "Napakaraming tiger sharks na nakapaligid. Kinakain na yung katawan."

Nakita na ang mangingisda sa Lubang, Occidental Mindoro, na nauna nang iniulat na nawawala noon pang gabi ng May 10, 2023.

Ang malungkot nga lang, wala na itong buhay.

Nakilala ang biktima na si Jessie Binurilao, residente ng Sitio Pulili.

Sa ulat ng Ang Pamahalaang Bayan ng Lubang official Facebook Page noong May 12, nagsagawa ng search, rescue, and retrieval operation upang hanapin ang nawawalang mangingisda.

Ang Bureau of Fire Protection Lubang, PNP MPS, Maritime Police, PCG Lubang, MDRRMO, Bantay Dagat, Mamomoso Volunteers, FPO-DENR, at Barangay Binacas sa bahagi ng karagatan ng Kibrada, Binacas, ang pinagsamang puwersa na nagsigawa ng operation.

Read also: "Di na ako magiging June bride!" Bride-to-be’s fiancé dies weeks before wedding

The search and rescue team

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Leila De Lima absuwelto sa 2nd drug case; humingi ng prayers sa isa pang natitirang kaso

Bandang 4:30 p.m. ay namataan ang bangkay ng mangingisda na nakalutang sa dagat at maraming ibon ang lumilipad sa ibabaw nito.

Nang makalapit ang mga rescuers, nakitang napapalibutan din ito ng mga pating at pinapapak ang bangkay.

Kalahati na lang ng katawan ng mangingisda ang nakuha ng mga rescuers.

Ayon sa ulat, nagpapana ng isda ang biktima nang bigla na lang itong nawala.

Hindi na ito nakabalik kaya agad na ipinagbigay-alam ng mga kapwa mangingisda sa munisipyo kinabukasan.

Agad nagsagawa ng SRRO ang binuong team ngunit hindi agad ito nakita noong May 11.

Read also: Face of Abby Choi, victim of gruesome murder, to be recreated via 3D printing technology

Bandang tanghali ng May 12 ay nakita ang pana na ginagamit ni Jessie na nakatusok sa mga bato sa ilalim ng dagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi tinigilan ng rescue team ang paghahanap hanggang sa natagpuan ito.

Ayon kay Mayor Michael Lim Orayani, maraming tiger sharks sa lugar kung saan nakita ang katawan ng biktima.

"Napakaraming tiger sharks na nakapaligid. Kinakain na yung katawan," ayon sa alkalde.

Read also: Kuweba na ginawang coffee shop at inland resort, ipinasara

The remains of the victim

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Female acrobat, nasawi matapos malaglag during aerial performance

Ang bahagi mula baywang paibaba na lang ng biktima ang nakuha ng mga rescuers.

Agad ding iniuwi sa pamilya ng biktima ang natitirang bahagi ng katawan nito at inilibing.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Lubang sa mga naulila ni Jessie.

Read also: 1,670 batang Pilipino, nasasawi sa road accident kada taon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kalunus-lunos ang sinapit ng mangingisda na inatake ng tiger sharks sa bahagi ng karagatan ng Occidental Mindoro. "Napakaraming tiger sharks na nakapaligid. Kinakain na yung katawan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results