PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paa Operation Aid: Surgeon and Janitor Roles

"The cleaner had taken ‘a more active part’ in the surgery."
by KC Cordero
Published May 25, 2023
Foot heavily gauzed
Naging restless umano ang pasyente matapos saksakan ng pampamanhid kaya nagdesisyon ang surgeon na magpatulong sa janitor na hawakan ang paa nito at isagawa na ang operasyon. Pero ayon sa ulat, higit pa roon ang naging partisipasyon ng janitor sa surgery kahit wala itong medical experience.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang mga opisyal ng isang ospital sa western Germany sa isang insidenteng naganap sa kanilang pasilidad noong 2020.

Sa panayam ng SWR, isang public broadcaster sa Germany, noong May 19, 2023, sinabi ni Norbert Pfeiffer, chief executive ng Mainz University Hospital, na ang insidente ay kinasangkutan ng isang surgeon at ng isang janitor.

The hospital

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanggalan ng hinlalaki sa paa ang isang pasyente.

Pero isinagawa ng surgeon ang operasyon katulong ang isang janitor sa halip na mga qualified assistants.

Read also: 18 anyos na solong tagapagmana, natagpuang patay two hours after ikasal sa lalaking hindi gaanong kilala

Ayon kay Pfeiffer, maling-mali ito.

Batay naman sa ulat ng Mainzer, isang local daily sa Germany, sinaksakan agad ng pampamanhid ang pasyente kahit wala pa ang mga aasiste sa surgeon.

Nang tumalab umano ang pampamanhid ay naging restless ang pasyente.

Doctor injecting the patient

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: First thing to do ng Super Lotto 6/49 jackpot winner: 'Magbabayad ng utang'

Para hindi masayang ang oras, nagdesisyon ang surgeon na isagawa na ang operasyon.

At dahil wala itong makakatulong, tinawag nito ang isang namataang janitor, ay inatasang hawakan ang paa ng pasyente.

Ang janitor na rin ang nag-abot sa surgeon ng mga ginamit nitong surgical instruments.

Iniulat ng Allgemeine Zeitung, isang German online news, na ang janitor ay wala ni katiting na medical experience.

Nalaman lang ng pamunuan ng Mainz University Hospital ang nangyari nang makita ng hospital manager ang janitor na may hawak na gauze pads na punung-puno ng dugo kaya inusisa ito kung saan galing iyon.

Read also: China e-jeepney, may road test na sa Bacolod City; kopyang-kopya ang disenyo ng Pinoy dyipni

Janitor cleaning the floor

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Curry may message kay Walker sa signed jersey: “Will never forgive you for Game 4...!”

“This should never have happened,” ayon kay Pfeiffer.

Paliwanag ng chief executive, ang surgery ay isang routine procedure na madalas gawin ng isang doctor.

Dagdag pa niya, ang pagputol sa hinlalaki ng paa ng pasyente ay naganap bandang 3:30 p.m., local time sa Germany, kung kailan marami pang ibang doctors na maaaring umasiste sa surgeon.

Read also: Mangingisda sa Occidental Mindoro, pinapak ng tiger sharks

Inamin din ng pamunuan ng ospital na hindi lang naging tagahawak ng paa at tagaabot ng surgical instruments ang janitor.

Ayon sa ulat ng local news outlet na Mainzer Allgemeine Zeitung, “...the hospital admitted the cleaner had taken ‘a more active part’ in the surgery than they had previously suspected.”

Hindi na idinetalye kung ano pa ang naging partisipasyon ng janitor sa operasyon.

Hindi na rin binanggit ang pangalan ng surgeon at ng janitor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinibak din ang surgeon.

Ang good news, hindi nagresulta sa anumang kumplikasyon ang isinagawang procedure sa pasyente.

Read also: 42-year-old lady, sinabihang "old" ng Tinder date

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging restless umano ang pasyente matapos saksakan ng pampamanhid kaya nagdesisyon ang surgeon na magpatulong sa janitor na hawakan ang paa nito at isagawa na ang operasyon. Pero ayon sa ulat, higit pa roon ang naging partisipasyon ng janitor sa surgery kahit wala itong medical experience.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results