Napakainit ng summer sa Pilipinas.
Kaya marami ang nagtitiis sa mainit na panahon dahil takot sa mataas na electric bill.
Pero ang 26 na Siberian Husky ng pamilya ni Sai Datinguinoo ay komportable sa kanilang mansion na may centralized air conditioner at tig-iisang electric fan.
Sana all!
Naitampok sa Dapat Alam Mo! ang The Husky Mansion, ang two-story mansion kung saan naninirahan ang mga alaga nina Sai.
Mayroon itong sariling kitchen, nursing room para sa puppies, at 20 cages na may sariling electric fan.
Bukod sa electric fans na bukas 24/7 ay mayroon din itong centralized air con upang hindi mainitan ang mga aso.
Read:
- Story behind 3-month-old pony running along NLEX
- Hustisya para kina Marshall at Millions, mga asong pinagbabaril ng pulis
- Meet Arwen, ang adorable kitten na bawal ampunin
Kuwento ni Sai sa Dapat Alam Mo!, “Nung mas natutunan pa po namin yung tungkol sa husky, yung pag-aalaga po sa kanila and yung personality nila, na-in love po kami lalo sa kanila.”
Kaya ang nag-iisang alaga nilang si Zyber na na-acquire noong 2016 ay naging 26 na.

INTERNET SENSATION ANG MGA ALAGANG HUSKIES
Bida ang mga huskies ni Sai sa Husky Pack TV na may 736,000 followers sa Facebook at 795,000 subscribers sa Youtube.
Ang kinikita dito ang siyang ipinangtutustos ng kanyang pamilya sa mga pangangailangan ng mga aso.
“As per expenses naman po ng mga dogs, ginagamit namin yung kinikita nila talaga sa social media,” dagdag kuwento ni Sai.
Aminado ang dalaga na malaki ang gastos sa pag-aalaga ng kanilang mga aso, hindi lamang sa pagkakaroon ng kumportableng tirahan kundi maging sa pagkain sa araw-araw.
“For lunch, ang kinakain po talaga nila ay mga fruits."
Dog food naman ang pangunahing diet ng mga huskies, pero binibilhan din sila ng kilu-kilong karne at atay ng baboy at manok kada linggo upang punan ito.

HIGH-MAINTENANCE DOG BREED
Popular sa kanilang erect ears at thick, soft coat, ang dog breed na Siberian Husky ay nag-originate sa Siberia at ginagamit bilang sled dog, ayon sa britannica.com.
Dinala ito sa Alaska noong 1909 kung saan naging tampok ang mga ito sa mga sled dog races.
Bukod sa pagiging consistent winner, gumawa ng ingay ang mga huskies noong 1925 nang maisalba nila ang Nome, Alaska, mula sa isang diphtheria pandemic.
Sila ang ginamit upang madala ang mga life-saving serum sa siyudad sa gitna ng malawakang blizzard o matinding pag-ulan ng niyebe at malalakas na hangin.
Bilang pet dog, kinagigiliwan ang mga husky dahil sa kanilang energy at pagiging extremely friendly.
Graceful at gentle din ang mga ito bagamat madalas silang marinig umalulong o mag-howl.
Paliwanag ni Dr. Margie Graciella Clarete, veterinarian sa Wags & Purrs Veterinary Clinic, “Ang mga huskies kase, high in energy sila.
“Dapat iyan nasa open space, nakakatakbo, madaming activities. So sometimes pag wala sila nun, when they get bored, they tend to howl para mailabas nila ang energy nila.”
“It would be best kapag ang husky ay nakakapag-exercise, nakakatakbo-takbo para dun nila naïve-vent yung kanilang energy.
High maintenance din ang mga ito.
Ayon din kay Dr. Margie, “Ang husky, they have a double coat na tinatawag. Meron silang undercoat, yun yung nasa ilalim, meron din silang guard hair. Originally kase galing sila sa malalamig na lugar.”