PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Oops! Lalaki sa sex game, itinali at iniwan ng babae sa kakahuyan

Babae nakilala ng lalaki sa online.
by KC Cordero
Published Jun 8, 2023
Bondage interpretation
Hindi inakala ng lalaki na matapos siyang maitali nang todo-todo ng ka-date na babae, iiwan na lang siya basta nito sa kakahuyan. Ayon sa pulisya, na-underestimate ng lalaki ang bondage skills ng babae.

Isang 51-year-old na lalaki sa Germany ang natagpuang nakatali sa isang kakahuyan na sakop ng Bueckburg, isang town sa Lower Saxony noong May 6, 2023.

Narinig ng napadaang cyclist at hunter ang kanyang paghingi ng saklolo.

Agad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya ang nakita.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng German police na ang lalaking hindi na pinangalanan ay sangkot pala sa isang sex game—na hindi naging maganda ang kinalabasan.

Read also: “Smiling lessons” inio-offer para sa mga nakalimutan na ang pagngiti dahil sa facemask

Photo of the forest

Read also: 12 anyos, youngest graduate with five degrees sa isang U.S. college

Nakadamit naman siya nang ma-rescue ng mga pulis.

Mahigpit ang pagkakatali sa kanya sa ibabaw ng isang deer-hunting platform.

May nakasaklob ding pantyhose sa kanyang ulo.

Sa inilabas na statement ng pulisya nang araw ring iyon, lumalabas na ang lalaki ay itinali ng babaeng nakakilala niya sa isang online dating site.

Nagkita nang personal ang dalawa, at napagkasunduang magpaka-adventurous sa kanilang gagawing pagtatalik.

At pinlano nilang sa kakahuyan iyon gawin.

Sinimulan ng babae na itali ang lalaki.

Read also: Photographer sa wedding, hinihingan ng refund matapos maghiwalay ng kanyang clients

Pero nang sisimulan na ng babae ang paghuhubad sa lalaki, nakatanggap ito ng tawag sa telepono.

Sa hindi umano maipaliwanag na dahilan, basta na lang iniwan ng babae ang lalaki sa kakahuyan at hindi man lang kinalas sa pagkakatali.

Sa kawalan ng magagawa sa kanyang sitwasyon, nagsisigaw na lang ang lalaki—na suwerteng narinig ng napadaang cyclist at hunter.

Ayon pa sa pulisya, handa naman sana sa sitwasyon ang lalaki sakali ngang may ibang trip na gawin ang babae matapos siyang itali.

May dala umano siyang box cutter na nasa kanyang bulsa.

Read also: Google ide-delete ang Gmail accounts na 2 years nang inactive

Photo of box knife

Read also: Former No. 1 tennis player engaged to random fan who asked for a selfie

Pero na-underestimate niya ang bondage skills ng babae dahil sa husay ng pagtatali nito sa kanya, hindi niya maabot ang kanyang baong knife.

Bukod sa inabot na stress, wala namang sugat o anumang pinsala ang lalaki.

Tumanggi na rin siyang magbigay sa pulisya ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan sa babae.

Gayunpaman, sinimulan na rin ng pulisya ang pag-iimbestiga laban sa babae na posibleng makasuhan ng failure to render assistance and possible deprivation of liberty batay sa umiiral na batas sa Germany.

Read also: Photographer sa wedding, hinihingan ng refund matapos maghiwalay ng kanyang clients

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi inakala ng lalaki na matapos siyang maitali nang todo-todo ng ka-date na babae, iiwan na lang siya basta nito sa kakahuyan. Ayon sa pulisya, na-underestimate ng lalaki ang bondage skills ng babae.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results