“Perfect!” bulalas ng netizens sa larawan ng estatwa ng Christ the Redeemer na parang nasa mga palad nito ang bilog na buwan.
Kahanga-hanga naman talaga ang picture composition na kuha ng Brazilian photographer na si Leonardo Sens.
Naganap ito noong June 4, 2023.

Matagal nang pangarap ni Leonardo na ma-capture ang ganitong eksena.
Tatlong taon ang kanyang hinintay bago naisagawa iyon.
Nang araw na makunan niya ang kamangha-manghang larawan, nakapuwesto si Leonardo sa Icaraí Beach na nasa munisipalidad ng Niterói sa Rio de Janeiro, Brazil.
Nasa pitong milya ang kanyang distansya sa kinaroroonan ng 98-ft high Christ the Redeemer, na nasa summit naman ng Mount Corcovado.
Read also: Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years
PINAGHANDAAN ANG PERFECT SHOT
Matagal na ring pinag-aaralan ni Leonardo ang posisyon ng buwan sa pag-asang ma-capture ang rare moment na mag-a-align ito sa Christ the Redeemer.
Gumamit din siya ng mobile apps na nag-i-indicate sa nagiging posisyon ng buwan sa ibabaw ng malaking estatwa.
Kabilang sa paghahanda ni Leonardo ang pagbili ng 600mm lens kung saan ang buwan at ang araw ay nagmimistulang malapit lang kapag kinunan ng mga larawan.
Read also: Photographer sa wedding, hinihingan ng refund matapos maghiwalay ng kanyang clients

Read also: Oops! Lalaki sa sex game, itinali at iniwan ng babae sa kakahuyan
Gayunpaman, noong 2021, kahit alam niyang poposisyon ang buwan na tila nasa mga palad ng Christ the Redeemer, hindi siya naging matagumpay na makunan ito ng tamang frame.
Masyado aniyang mabilis ang pagbaba noon ng buwan, at hindi niya nae-execute ang perfect shot.
Noong 2022 ay hindi rin siya naging matagumpay dahil maulap naman ang kalangitan kaya naging imposible para sa kanya ang kumuha ng picture.
Read also: Eligible Filipinos puwede nang bumiyahe sa Canada kahit walang visa
“I HAD DONE IT!”
Noong June 3 ay agad pumuwesto si Leonardo sa Icaraí Beach matapos niyang i-check ang magiging posisyon ng buwan sa ginagamit niyang apps.
Hindi rin agad niya nakuha ang perfect shot dahil natakpan ang buwan ng makapal na ulap.
Kinabukasan ay nagbalik si Leonardo sa beach, at sa pagkakataong ito, napitikan niya ang kanyang long-awaited photograph.
Read also: BSP naglabas ng kauna-unahang colored commemorative coin set
Aniya, inagahan niya nang 20 minutes ang pagpunta sa beach matapos i-check sa apps ang magiging posisyon ng buwan.
Matapos makunan ay agad siyang umuwi sa kanyang bahay at ikinabit sa kanyang computer ang kanyang camera para silipin ang mga kuha.
Doon na niya naibulalas ang, “I had done it!”
Read also: “Smiling lessons” inio-offer para sa mga nakalimutan na ang pagngiti dahil sa facemask

Read also: Former No. 1 tennis player engaged to random fan who asked for a selfie
Agad din niya itong ibinahagi sa kanyang Instagram.
Ang larawan ay nakakuha na ng halos two million likes, at 13.4K comments.
Si Leonardo ay nagsimulang maging mahilig sa photography noong 2005. Paborito niyang subject ang kapaligiran ng Rio de Janeiro.
Bagaman at kamangha-mangha ang determinasyon ni Leonardo at ang kanyang skill para maipakita sa mundo ang ganda ng kalikasan, ang larawan ng Christ the Redeemer na tila nasa mga palad nito ang buwan ay isang paalala rin sa atin sa tunay na kahulugan ng kasabihang “Kapag may tiyaga, may nilaga.”
Read also: Google ide-delete ang Gmail accounts na 2 years nang inactive
